1st time mom
bakit po mahirap manganak sa Public hospital ?
Actually kaya lang mahirap manganak sa public eh kung nasa ward ka lang. Yun yung madame kayo. Walang mag aasikaso sayo kundi sarili mo. Bawal kase bantay sa loob. May oras lang at 1hr lang ang dalaw. Madameng bawal ipasok sa loob. Pero pag nasa private room ka sympre want to sawa ang bisita mo. Yun lang mapa ward or private room bawal magdala ng bote, formula and pacifier, mahigpit ang public hosp. Kailangan breastfeeding ka. Nanganak ako sa east ave and ward lang ako...actually maayos sa kanila malinis naman yung anakan nila....depende narin cguro kung saan public...like kung fabella ka super crowded na baka sa gilid ka nlng paanakin.
Magbasa paSa private ko ipinanganak 1st baby ko.super mba2it lhat.in fact no need na nga my bantay kc inaalagaan ka nman maayus kya isa lng ksama ko sa loob.kinocomfort ka nla lagi at iniintndi.pti pgkapanganak ko.nkapagpahinga tlga ako ng maayus.mga nurses ung nag aasikaso sa baby ko sa nursery.kc wla pa ako gatas.pina formula muna nla.comfortable ka tlga na maaalagaan kayu.pglabas namin.super ok na kme ni baby.though mdyo mhal nga lng😁but f afford nman.y not!wag na tipirin ang comfort nio ni baby.d biro manganak.wag ng e take risk hanggat my better option knaman.😊
Magbasa paMadami po kasi kaya pag active labor ka na kalang nila aasikasuhin. Tapos kanya kanya kayong iyakan at aray arayan sa labor room. Pag lalabas na si baby saka ka ipapasok sa delivery room. Swerte mo lang po kapag di pa pagod si doc sa dami ng pinaanak, at di ka pwede umarte arte kasi pa pagalitan ka talaga nila. May mga birthing homes naman po na medyo mura kesa sa hospital at mga doctor din magpapaanak sayo. Piliin mo lang yung mga malapit access sa hoapital just in case biglang may emergency.
Magbasa paayon sa experience ko sa first baby ko ireng ire na ako 8am nandun na kami 3:30pm pa lang ako naadmit dinaan daanan lang ako sa waiting area awang awa na sa akin yung mga tao dumadaan..kaya ayoko na maulit ulit yun ngayon sa second ko lying in nalang ako manganganak..pero mababait naman mga nurse at aircon pa room ko dun lang talaga sa pinag antay ako nadissapoint
Magbasa paSyempre pag sa public iba ung treatment di ka maaasikaso unlike sa private hospital. Ako nga non halos mga nurse nagaalaga ng baby ko cla nagpapalit ng nappy chinecheck nila every 2 hours, may taga paligo pa sa baby kaya di ka mahihirapan. Lalabas kang sure ka na safe c baby andami din doctor na tumingin sa baby ko para icheck kung ok lahat
Magbasa paMahirap sa public. Minsan gagawin kayong guinea pigs. Pati sa baby ginagawa rin. Pag eexperimentuhan kayo. Basta na lang balibag kahit may tahi ang pasyente pag ililipat ng higaan. Hindi comfortable ang ward at higaan. Bawal maraming bisita. Nakita ko mismk sa mga public na ganon kaya nakakatakot. Maigi talaga kung private or semi private
Magbasa paSiguro po kasi hindi iniintindi ng maayos and sabi po nung iba eh tabi tabi lang daw po pinapaanak kapag sa ward lang daw po. Pero usually kahit sa private room pa sa public may masama pa din ang ugali na nurse. Based lang po yan sa mga sinabi nung mga pinsan ko at asawa ng kapatid ko na nanganak sa public hospital dito po sa province.
Magbasa paDahil hnd kayo aalagaan ng doc at basta basta lang sila. Nung nagpnta ako sa public hospital grabe ung ob kala mo buhay ko ang tnya ko sknya para lang magpakonsulta. Nagaalala lang naman ako sa kalagayan ko sbi pa naman skn bat ako pmnta hnd naman emergency. Ayw nila ng may pasyente
Depende mommy. Ako sa public ako nanganak. Medyo mahirap kasi kulang rooms nila for recovery, pero the doctors are good naman. :) pinaka mahirap kong experience is need ko maglabor ng nakaupo lang. Haha. Then 10cm na ko naakyat sa delivery room.
ako sa totoo lang ayoko na sa public....muntik na aqu mamatay sa public hospital...apura IE nlang mga nka duty dun....taz pababayaan ka lang, kumpara sa private kahit mahal ang bayad alam mu nlng na maaalagaan ka nla....
First Time Mom