27 Replies
I thought this was just me, pero let's think in other perspective like they were once parents' of babies na "tayo yun".. kung baga, retired na sila sa pagaalaga ng babies kasi it is our duty and responsibility this time. Let them rest na and if they offer to take care of our babies, well let's appreciate them. Pero never get bitter or sumama loob sa parents or in laws ntn because of that. If they tend to say things naman na pakiramdam ntn na parang pinapakealaman ung diskarte natin sa pagaalaga sa baby ntn, isipin na lang ntn na they know better and they would want also to teach how they have taken care of us. Love your in laws, they're your husbands parents afterall, they have taken care of the person you love. 😊💕
Handa po dapat tayo from the very start. Isang napakalaking responsibilidad ang magkaanak kaya dapat prepared tayo sa lahat ng aspeto simula financial matters hanggang pagaalaga. Hindi dapat byenan or magulang natin magaalaga sakanila dahil matatanda na sila kawawa naman. Masakit sa katawan magalaga ng bata ako nga mid twenties palang ansakit na sa likod at balakang magalaga e. Sila pa kaya matatanda na. Nakaugalian nadin kasi satin na pag nagstart na magpamilya nageexpect tayo magulang or byenan magaalaga. Hindi dapat ganon hayaan na natin sila at matatanda naman na.
Pero mas better magbukod nlng para di sila masita at mapakialaman
Wag po natin obligahin mgbantay or mag alaga mga byenan or even parents ntin dahil obligasyon natin yan. Tapos n sila jan. Let them enjoy life n. Hirap kya mgalaga ng bata. Nung ngpabuntis tau dpat may plano na tayo with our husband kung pano setup. Dapat ready na tayo kung sino magalaga at sino mgtrabaho. Siguro nkikialam lng dahil apo nila yan, kumbaga support lng. Pero wag nmn natin iexpect sila magalaga dahil pinili natin magbuntis, meaning dapat ready n tayo.
Hahaha. True!! Nakakainis pa, nung ako pregnant sa 2nd baby namin. Ayaw nila mag alaga dahil nagtitinda daw sila sa talipapa every afternoon. Need daw magresign isa samin ni hubby para mag alaga. Samantalang apo naman din nila yun, pero nung babaeng anak nila nanganak. Yung byenan kong babae hindi na nagtinda, yung lalake na lang. Tapos inaalagaan nila yung apo nila roon. Para ang unfair lang di ba mga mommy. Same naman nilang apo, pero iba ang turing nila.
Hindi nila obligasyon momsh na alagaan. Wala tayong karapatan na sumama ang loob kung di maalagaan dahil bilang magulang tayo naman talaga dapat ang mag alaga at isa dapat ang kailangan magive up sa career. Wag ka na magselos dun sa anak nya na girl syempre anak nya talaga yun, aalagaan at aalagaan nya yun samantalang ikaw e asawa lang ng anak nya. Don't compare.
ito nlng po isipin mo momsh, kung hindi nangi2alam ang mga byenan meaning wala silang pakialam sa inyo lalo na sa apo nila.. mdalas kc sa ating mga manugang eh nami-misinterpret ntin ang pangi2alam ng mga byenan ntin.. but try to think the good side of it, it actually our guidance on how to take care of/raise our child.. since npagdaanan dn nila yan.. ☺️
True!! Bagong panganak lang ako noon, so syempre kailangan di ako gano mag kikikilos kaso wala ako pa rin kumikilos, hugas pa ng pinag kainan nila biyenan o mag linis sa taas tas alaga pa sa baby. Ako pa rin lahat kaya it's better na dun ka sa side ng family mo kase tutulungan ka nila at mas maiintindihan
Mas maganda po nakabukod
It's our responsibility na alagaan ang anak natin..di natin dapat iasa sa ibang tao..wag sasama ang loob mo kung ayaw alagaan ng byenan mo ang baby mo kase in the first place dapat handa ka sa pag aalaga..kung tutulungan ka..mag pasalamat ka nalang..kung di naman wala ka karapatang magalit
May ganun tlg sis hayaan mo nlng wag pakastress.. tayo naman tlg dpt nag aalaga ke baby pero sila naman mag alaga man minsan may sumbat pa kea mainam tayo nlng mag alaga.. nasa sayo kung susundin mo po ung sasabihin ng biyenan mo pag tungkol sa pag aalaga sa anak mo
Ang biyenan ko.. Wla mang inalagaang apo un. Sarili niya lang. Kht nga mga anak niya hindi niya kasama. Gnun tlga family ng husband ko. Kaniya kaniya sila. Kya ndi mo ma feel ang family s knila. Pg mga holidays like Christmas at new year. Kaniya kaniya cla.
Buti nalang swerte ako sa mga biyenan ko. Kahit nakatira kami sakanila may sarili pa rin kaming desisyon na mag asawa and sobrang alaga ng MIL ko sakin ngayong buntis ako. I'm so thankful nalang talaga kasi malayo parents ko.
Rhezza Melody Ang