Naiintindihan ko yung point mo i agree with you. Sometimes naisip ko rin yan na bakit hindi nalang sila magpabreastfeed. Bakit nga ba? Dahil lang ba sa kakulangan ng knowledge? I dont think so. I guess, may mas malalim pang reason and we will never know that kasi wala naman tayo sa shoes nila. Mahirap maging mahirap, mahirap humingi ng tulong halos lalamunin na yung pagkatao mo sa kahihiyan lalo na pag nakaencounter ka ng mga ganitong tao. Hindi ako poor fyi, may kaya kami. I think between middle/upper class kami. Pero naiintindihan ko yung mahihirap. Why? Mama ko galing sa mayaman na angkan, as in super yaman. Dad ko naman is galing sa medyo mababa sa middle class na angkan, im not saying poor or middle class but somewhere between that. Napagcompare ko yung buhay nila, ang middle class kaya mas maraming knowledge sa ganyan yan kasi mas marami silang time magisip, ang mga mahihirap buong araw nagiisip ng makakaen nila, buong araw naghahagilap ng pera kaya wala na silang time magganyan, may mga trabaho naman sila hindi naman sila tamad kaso sweldo nila minsan kulang pa pang isang araw. Minsan kasi abuso din ang mayayaman, mahirap na nga hindi pa sanay magpasweldo ng nararapat kaya mas lalong naghihirap yung mga nasa lower class dahil sakanila. Sa totoo lang hindi ako mahirap pero parang ramdam ko yung sakit na matawag na poorest of the poor. Im sorry but i think you should correct the term that you used. Ang mga walang pera mas maramdamin yan kasi mahirap na nga sila, madalas pa silang makatanggap na words na katulad nito. Di bale kung matutulungan sila pero kung hindi naman para saan pa. Dapat magingat tayo sa pananalita kasi once na bumagsak ka, yang mga tinatawag mong poorest of the poor sila yung mamemeet mo pababa. Sa totoo lang, mas mapagbigay pa ang mahirap kesa sa mayaman. Tested and proven ko na yan. Why? Kasi ramdam nila kung gaano kahirap ang mapagdamutan.
Magbasa pa