formula

Bakit kung sino pa ang poorest of the poor sila pa nagfformula? Yung mga middle class at mayayaman sila pa nagttyaga nagbbreastfeed? Kahit pumapasok sa office or umaalis nagppump ng milk for babies. Yung poorest of the poor sila pa hindi nagttyaga magbreastfeed kesyo walang gatas daw. E wala naman talaga masyado gatas at masakit sa una pero pag sinususo ng newborn yon meron sila nakukuha. Sobrang liit ng tyan ng mga newborn kaya hindi need ng madami gatas sa first month. Tapos ngayon pandemic puro hingi pamformula. Kanino nanghihingi? Sa mga middle class na walang natanggap na ayuda dahil inuna silang poorest of the poor. Ayaw tiisin yung sakit magpasuso sa umpisa lang naman masakit pag tumagal wala kna maramdaman. Tyagain nyo magpabreastfeed. Matipid na lalo ngayon pandemic not to mention pinaka the best milk pa.

28 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ang dami ngang nanghihingi ngayon. Pag nagsuggest ka na magbreastfeed or maglampin nalang muna sasabihan ka pa ng "wag nalang magcomment kung walang maitutulong" like what? Di ba ang suggestion is way of helping? Ewan ko ba sa mga tao ngayon nasanay nalang sa hingi. Gusto easy easy lang. Mga walang diskarte sa buhay.

Magbasa pa

May kanya kanyang dahilan wag kang magmarunong! Lawakan mo isip mo. Wag mo sabihin na poorest of the poor sila pa nag foformula, Hindi lahat. Kung gusto mo lawakan namen pag unawa sa sinasabi mo, Wag mo idown ang mga poorest na nag foformula. Ipaintindi mo sa amin ng walang na ooffend. Thanks.

VIP Member

hiningian ka siguro hahaha wag mo lahatin malay mo yung ibang nag formula ginawa din lahat para mag ka gatas ako mixfeed ako dahil hirap ako dahil c.s ako and ftm pero tinatry ko best ko mag pa b. feed pero di sapat kaya ingat ingat sa word wag ka manghusga kong di mo nmn alam ung dahilan

Desisyon nila yun mamsh, malay mo kailangan magtrabaho ng nanay kaya imbis na magbreastfeed ih formula nalang para makapaghanap buhay din for the future of the baby. As long as hindi pinapabayaan o ginugutom yung baby, wala naman siguro problema dun. 😊 God Bless us all mommies!

Hindi naman po.lahat.kasi may nproproduce na milk sa pag bf nila wala namang nanay ang ayaw ibf ang anak kaso kung wala tlaga wala kaya no choice sila.kundi umaasa sa mga formula o mang hingi ng gatas sa ibang mommy na nagpapa bf oo pandemic pero sana intindhn din ntin sila

5y ago

Mas ok namang di magutom mga anak namin kesa makinig sa mamaru na super duper proud bf mom na wala sa lugar. Pa false false info kapang nalalaman jan lols.

Wala din kasing mga ref at freezer ang poorest of the poor na sinasabi mo. kahit mag hand express sila, san nila ilalagay? sila din kasi ang mga hindi rin educated. walang mga alam sa family planning, much more sa proper nutrition ng baby. yun ang realidad.

totoo. naisip ko siguro kasi kulang din information nakukuha nila? hindi tulad natin na mas madali maka search or manghingi ng advice? siguro kung ma realize nila gaano kalaki matitipid nila sa breastmilk tsaka sila mags switch.

6y ago

true. dito sa atin requirement na mataba ang baby para masabing healthy.

Agree ang dami humihingi formula na mga mommies ngayon nakikita ko sa newsfeed kahit alaska or bearbrand. Jusko newborn bat mo painumin non😭 meron pa infants kape pinapainom nakakadurog ng puso💔

6y ago

May kakilala po ako 3 months old ang baby pero bearbrand na pinapadede. Grabe nakakaawa yung baby.

Agree ako jan momsh. Yung iba naman nanghihingi ng tulong pambili ng diaper at gatas dito sa app kasi manganganak na daw this month e pwede naman sya mag breastfeed.

6y ago

Kaya nga e. Wala naman pala pambili bat di pa mgtyaga magpa breastfeed. Aside sa makakatipid ka, mas may sustansya ang gatas ng nanay kesa sa formula.

True. Kasi lack of education din siguro. Tsaka di sila marunong mav breastfeed. Medyo nakakaasar nga eh, sila na nga mahirap, nagfoformula pa.

6y ago

Korek konting sakit lang suko na. Jusme ako nagsugat nipple ko, nagclogged ducts at nilagnat with chills pero d ako sumuko. Konti lang din milk ko nung una. And now 1 year and 5months breastfeeding. Sobrang tipid lalo na ngayon kaya nagpapasalamat ako at d ako sumuko nuon.