Hindi nabubusog si Baby sa pagdede niya sakin. Bakit???

Bakit kaya mga sis gutom pa din si Baby kahit mga 1hr na siyang nakadede sa akin? Di ko alam kung may nakukuha ba siya sa akin pag nadede siya o wala. Halimbawa yung ngayon namin, dumede siya sakin ng 5am, mga 3mins lang (left breast), dede ulit ng 6 to 7am (both), tapos 8am (left), 9am (both), 10am (left), 11am (left), 1 to 2pm (both). At yung huli eh etong 2:30 to 3:16pm (both). Tapos gutom pa din si Baby, nagliligalig na kasi pag sinusubo ko sa kanya dede ko (ni-try ko both breast) eh niluluwa niya na parang wala na siyang nakukuha. No choice tuloy ako kundi eh formula feed kasi wala akong nakahandang breastmilk. Tingin nyo mga sis? May naka-experience na po sa inyo ng ganun? First time mom here po. And napansin ko na di na naninigas dede ko, ibig sabihin ba nun eh walang lamang gatas? Baby is 2 weeks old po. #pleasehelp #advicepls #firsttimemom

5 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Mommy, research po about Baby Growth Spurts. At 2 weeks old, most probably ay undergoing naggo-growth spurt po si baby. Pero since nag-fm and bottle rin po kayo, possible din po ang nipple confusion. Maraming reason ng pag-iyak at pagiging fussy ni baby, hindi lang gutom. Aside from the usual culprits-- diaper change, need to burp, room temperature, sick, antok... very common din po na gusto lang ni baby ng comfort. Breastfeeding is not just about food/ nutrition but comfort as well. Kayo ang safe place nya ngayong nasa maingay at magulong outside world na sya, unlike before na 9 months syang nasa comfort ng tummy nyo. So being close to you, hearing your heartbeat, smelling your scent, feeling your warmth, is a source of great comfort to them. Yung paninigas ng dede ay hindi basehan ng walang gatas, but could be a sign na stable na milk supply nyo. To know more about proper breastfeeding knowledge and support. I encourage you po to join ng FB group "Breastfeeding Pinays" :)

Magbasa pa

mumsh same tayu. na proper latch mo ba si bb mo? kasi sabi nung nang pag check up ako dapat hindi lang nipple ang nasipsip niya yung brown din around sa area. Nagkasinat nga sakin dahil dyan sobrang worried ko kasi 1wk pa siya that time. Kung tama naman yung pagpapadede mo unli latch mu lang mumsh as long as nakakatae siya at di umiiyak may nakukuhang gatas yan. Yung akin buong araw minsan gabe walang tulog sa minuminutong dede niya. naisipan ko ring mag formula kaso sabi nila na mas maganda talaga bf di sakitin ang bata kaya tiis lang. May nasisipsip yan mhe segean mu lang. 1mos na bb ko now at yan din yung worry ko till now and so far ok namn bb ko sabayan mo lang ng sabaw and more fluid mhe. kapit lang.

Magbasa pa

Aku din bf parang ang bilis nmn ngv3minutes try mo tag 10minutes per dede mo after nun ipa burp mo sya bka kaya nag liligalig yan ksi may kabag sya gusto nya dumighay or umutot d nmn dhil nag liligalig sya eh gutom na sya try mo din sya libangn isayaw sayaw mi sya kausp kauspin mo ilakad lakad momkahit sa loob ng bahay kya nya din siguro niluluwa dede mo ksi busog pa sya naiinip lang sya or un nga baka may kabag ang baby .. d tlga titigas dede mo if mya mya sya na dede ibig sabhn may na dede sya try mo mag pump ng makita mo din Ang baby ksi pansin ko din sa baby ko dede sya ng dede bsta subuan mo sya maliit pa masyado tyan ng baby mo kunting gats lng yan busog na try mo paututin or ipa burp

Magbasa pa

15mins per latch not 3mins po. also, baka cluster feeding gibagawa ng baby mo noe. search mo ang cluster feeding..

same mumsh. medyo nakakastress din. tapos bumaba pa timbang baby ko from 3.65 nung pnanganak to 3.50 ngayon 2 wks nya.

2y ago

normal lang po na nababawasan ang timbang pagnakalabas na ni bb as wat my bb's pedia said.