Hindi nabubusog si Baby sa pagdede niya sakin. Bakit???

Bakit kaya mga sis gutom pa din si Baby kahit mga 1hr na siyang nakadede sa akin? Di ko alam kung may nakukuha ba siya sa akin pag nadede siya o wala. Halimbawa yung ngayon namin, dumede siya sakin ng 5am, mga 3mins lang (left breast), dede ulit ng 6 to 7am (both), tapos 8am (left), 9am (both), 10am (left), 11am (left), 1 to 2pm (both). At yung huli eh etong 2:30 to 3:16pm (both). Tapos gutom pa din si Baby, nagliligalig na kasi pag sinusubo ko sa kanya dede ko (ni-try ko both breast) eh niluluwa niya na parang wala na siyang nakukuha. No choice tuloy ako kundi eh formula feed kasi wala akong nakahandang breastmilk. Tingin nyo mga sis? May naka-experience na po sa inyo ng ganun? First time mom here po. And napansin ko na di na naninigas dede ko, ibig sabihin ba nun eh walang lamang gatas? Baby is 2 weeks old po. #pleasehelp #advicepls #firsttimemom

5 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

mumsh same tayu. na proper latch mo ba si bb mo? kasi sabi nung nang pag check up ako dapat hindi lang nipple ang nasipsip niya yung brown din around sa area. Nagkasinat nga sakin dahil dyan sobrang worried ko kasi 1wk pa siya that time. Kung tama naman yung pagpapadede mo unli latch mu lang mumsh as long as nakakatae siya at di umiiyak may nakukuhang gatas yan. Yung akin buong araw minsan gabe walang tulog sa minuminutong dede niya. naisipan ko ring mag formula kaso sabi nila na mas maganda talaga bf di sakitin ang bata kaya tiis lang. May nasisipsip yan mhe segean mu lang. 1mos na bb ko now at yan din yung worry ko till now and so far ok namn bb ko sabayan mo lang ng sabaw and more fluid mhe. kapit lang.

Magbasa pa