Bakit kaya kapag naging nanay ka, hindi ka vinavalue? Yung kapag nanganak ka, binabalewala ka lang ng mga tao sa paligid mo, ng pamilya mo hindi ka man lang tanungin kung okay ka?Kamusta ka? Kay baby lang lahat ng attention (don't get me wrong ah mahal na mahal ko baby ko) Pero yun bang konting concern sa sobrang sakit na naranasan mo. Worst pa ang sinabi lang sakin 'o ngayon alam mo na ang hirap ng manganak' yun lang.
Yung kahit malala ka pa sa katulong sa bahay at taga alaga ng anak..walang appreciation. Pero pag yung asawa mo ang naghugas ng pinggan at naglaba..dakilang ama at asawa na. (Don't get me wrong again mahal ko asawa ko at naappreciate ko yung tulong nya sakin sa bahay)
Yung kahit emotionally and physically drained ka na, hindi ka pwede makitaan ng pagod kasi mahina na tingin sayo. Wala ka karapatan magreklamo kung baga (kahit di ka nman nagrereklamo, yun bang maappreciate ka at bigyan ka ng break time)
Yung pag nanay ka, dapat kaya mo LAHAT. Asawa, nanay, katulong, baby sitter, teacher, cook, carpenter, etc etc lahat yan need mo maging sa buong araw.
Mahirap na masarap maging ina pero at the end of the day, isang yakap at halik lang sa anak tanggal pagod na