Naniniwala ka ba sa kasabihan na "bahay muna bago kasal?"

Voice your Opinion
YES
NO

1321 responses

14 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Opo naman. Kung papaanong ang damit at pagkain ay kailangan nating mga tao, gayon din ang bahay po ay isa sa mga basic needs natin. Maparenta man po yan o mapasarili natin, ang importante hindi po tayo nakikitira sa ating mga magulang o inlaws. Ang pagkakaroon ng isang kasal, komportableng tahanan ay ang katunayan ng ating kahandaan sa pagbuo ng isang masaya at maayos na pamilya na kung saan ang bawat miyembro ay komportableng namumuhay ng sila sila lamang. Dahil maging sa biblia man po ay sinabi, "Mateo 19:5 ‘Dahil dito, iiwan ng lalaki ang kanyang ama at ina, at magsasama sila ng kanyang asawa. At silang dalawa ay magiging isa.’"

Magbasa pa