QUESTION

Hello bago lang po ako dito, magtatanong po sana ako mag 2months na po akong delayed, first time ko po na delayed nang ganito ka tagal. Nung first po nag spotting ako, then nahihilo nako, may morning sickness nadin tapos may white discharge ako lagi. Tapos bigla din namang nawala sa ngayun po masakit na nipple at cramps nalang po merun ako, Nag PT po ako 3times puro naman mo negative. Nasa lock down pa po kasi kami kaya hindi ako maka pag pa check up. Sana may mag comment po.

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Nangyari na sakin dati yan sis.. akala ko buntis ako dahil sa mga symptoms.. 3 weeks ako nag PT.. every week ang pagitan pero puro negative.. Then nadiagnosed ako ng doctor na may PCOS after ng ultrasound.

4y ago

mas maganda tlga makapagpacheck up ka.. kasi for sure.. un ang unang irerequest ng doctor.. tvs agad yan.. wala bang mga lying in sa inyo sis? dun pwede ka magpacheck up..