Bagamat mayroon tayong bakuna para sa ilang sakit na dala ng lamok, pinakamabisa pa rin ang pag-iwas na makagat upang hindi madapuan ng sakit.
Narito ang ilang hakbang upang makaiwas sa lamok at sa mga sakit na dala nito:
[1] Gumamit ng screen sa pinto at bintana upang hindi makapasok ang lamok. Kung may sira o butas, ayusin ito kaagad
[2] Magsuot ng light-colored long sleeved shirts, long pants, medyas at sapatos kung lalabas ng bahay. Ang mga lamok ay hindi gaanong lumalapit sa light-colored na damit
[3] Gumamit ng kulambo kapag matutulog upang di makagat ng lamok
[4] Maglagay ng insect repellent nang naaayon sa direksyon
[5] Limitahan ang paglabas ng bahay sa umaga na papasikat ang araw at sa hapon na papalubog na ang araw. Dito pinaka-active ang mga lamok
[6] Huwag hayaang dumami ang lamok. Linisin ang bahay at iwasang mag-iwan ng di dumadaloy na tubig o stagnant water
Para sa buong detalye, panoorin ang FAMHealthy episode na "LAMOKS not OKS": https://www.facebook.com/theAsianparentPH/videos/1085855781941140/