MAY BABY BA TALAGA NA IYAKIN?

May baby po ba talaga na iyakin? Grabe! 4 na oras kaming araw araw sa karga kasi puro iyak. Naririndi nako, pero wala akong magawa kasi ako lang naman nagaalaga sa kanya. Nakaka stress. Pinagagalitan ko na siya sa frustration ko :( hindi ko na alam gagawin ko. HAYS!

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hi. Lahat po ng baby umi-iyak at nagiging iyakin. I-observe niyo po siya. Baka nag change yung sleeping pattern. Example sakin 8pm-10/11pm hindi siya natutulog at iyak lang ng iyak, kahit anong padede, hele at check ko sakaniya ganon parin. Medyo late ko na narealize na active hours niya yun, meaning hindi talaga siya matutulog kahit anong gawin ko at ang kailangan niya entertainment. Baka yung 4 hours na yun yung active hours niya at kailangan niya ng entertainment pampalipas oras. Like, kantahan, patugtugan, isayaw habang karga, ilakad, kausapin, laruin etc.

Magbasa pa