My PCOS & Sugar Baby πŸ’•

Baby's Out!! Welcome Alekza Zoe ❀ My PCOS & Sugar Baby 😊 Diagnosed with Pcos with thin endometrium 2019 Gestational Diabetes @ 28 weeks (diet + insulin) NSD EDD: Feb 9, 2021 DD: Jan 25, 2021 1 am - kakapikit ko lang bigla akong nakaramdam ng cramps ( tolerable at minaliit ko sya hindi naman masakit sabi ko ) but minonitor ko na. Tinext ko na si Ob - Ob called me to confirm na pumunta na ng clinic. - ginising ko na partner ko at sinabi baka manganak na ko. tumakbo na sya para kumuha ng taxi πŸ˜‚ 1:30 am - Pagdating sa clinic IE na 4cm palang pero inadmit na nila ako since tuloy tuloy na contractions ( still tolerable kaya nakakatawa pa ) Around 2-3 am - Medyo sumasakit na yung cramps ( squat + lakad solve na ) - IE : 6cm ( Yay may progress na ) Around 3-5 am - Cramps starting to be painful and not tolerable ( Hugs from my partner kaya medyo nasosooth pa ) - More cramps , not tolerable , super painful ( Kagat and kurot to my partner sorry πŸ˜‚ ) - IE : 6cm ( stucked πŸ˜₯ ) 5 am - suero na order from OB. Pampahilab. Di na nawala yung cramps + super painful na buti napigilan ko ung pagkagat kay partner ( muntik na maging zombie πŸ˜† ) - Sabi ko magpapapainless na ako pero wala pala πŸ˜‚ - MORE CRAMPS STILL PAINFUL - Super inaantok na ako at gusto ko na matulog kaya humiga na ko at umidlip. - IE : 8-9 cm 5:30 am - Dito na yung pinaka unforgettable since yung cramps ay may kasama ng contractions na kusang pumupush sa baby sigaw na ako ng sigaw "Tawagin mo na siya nagpupush na ako!!!!" - Ito na yung moment na pumutok na yung panubigan ko. Nagpanic na si partner haha dali dali na tinawag si midwife. - Di ko na kinaya sabi ko " AYOKO NA!! PAGOD NA KO!! " Habang pilit nila akong tinatayo kasi gusto ko nalang matulog πŸ˜† - Lakad papuntang delivery room akyat sa higaan ( It's now or never kaya pinilit ko kahit groggy na ako ) - 3 sets ng push per contractions. ( Crowning na si baby ) - Last push is ginalingan ko na kasi sabi ni partner at nung midwife is malapit na ( Encouraging kahit masakit na talagaΒ  ) - Naalala ko yung nabasa ko sa fb na pag magpupush parang nagta tug-of-war kaya todo na talaga. 5:59 am - Lumabas na si baby. Nawala lahat ng pagod at sakit after ( weird pero sobrang saya sa feeling. Di man ako napaiyak pero ang partner ko sobrang iyak ) - Binigay na sya sakin and tinry magpabreastfeed si baby gutom na gutom na - Di na ko tumigil kakasabing ang ganda nya 😊 And that's the start of our journey, sobrang sarap sa feeling and super worth it yung sakit. Sobrang thankful ako sa partner ko , sa midwife, Ob and especially sa katawan at isip ko dahil sobrang na-handle ko yung pain & shock. On my recovery na since may tear ako at may tahi. Which is never ko naexpect after childbirth na andami palang mangyayari din like; - Slight painful cramps sabay lalabas yung blood ( feels like super heavy period level 100 but I give credit to my PCOS era since nasanay na ako sa sakit and heaviness ) - The "Stitch" which is super uncomfortable lalo na maiisip mo na mapupunit habang naglalakad ka. - Fear of binat or post-partum depression ( Ito thankful na di ko pa nararanasan at sana hindi maranasan ng lahat ng mommies ) - Body Aches, sobrang hirap since pagod yung katawan natin during labor and birth + pag aalaga pa sa baby + puyat :( - Frustrations, Still no breastmilk, nakakapressure pero trying my best. - Iba ang katawan nating mga nanay. Saludo ako sa lahat πŸ’– Gusto ko lang ishare experience ko mga mommies πŸ˜ŠπŸ’• I hope na sa mga nagbabaka sakali sa mga katulad kong may PCOS at nagkaroon ng gestational diabetes. Kaya nyo yan πŸ€—πŸ˜ŠπŸ’– #firstbaby #1stimemom

My PCOS & Sugar Baby πŸ’•
62 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Congrats, because of your post nadagdagan yung lakas ng loob ko sa mga tahi and pain πŸ’›πŸ’›

4y ago

kayang kaya mo yan πŸ˜ŠπŸ’•βœ¨

ilan units po insulin mo? ako kasi 14units pero blood sugar ko di bumababa 😭 im in my 33weeks

4y ago

sabihin nyo po sa endo nyo kung ganyan mamsh 😊

congrats! very inspiring story nakadagdag ng lakas ng loob for my upcoming delivery! ❀️

4y ago

thank you πŸ˜ŠπŸ’• kaya nyo yan kahit ako akala ko di ko kakayanin pero keri pala ❀

ako po ngayon i have a gestational diabetes kaya po naka home blood sugar monitor πŸ˜”

4y ago

kaya mo yan momsh. control mo lang para safe delivery kayo ni baby πŸ˜ŠπŸ’•

momsh naglakad lakad ka po ba before ka manganak? like a month before ka manganak?

4y ago

before pa sipag ko maglakad/gumala sanay kasi ako pag aalis dati panay lakad lang 😊

Praise God po.. di po Niya kayo pinabayaan ni baby 😊

4y ago

laking pasasalamat ko po πŸ˜ŠπŸ’•βœ¨

VIP Member

Pwede nang makapasok ngayon ang hubby sa delivery room?

4y ago

and may rapid test naman po bago makapasok sya 😊

sana all momsh! congraaaaats po. ❀

VIP Member

Congrats,momsh.πŸ’– God bless you moreπŸ˜‡

4y ago

thank youuu πŸ˜ŠπŸ’•

😳 congrats mommy.. ❀️❀️