normal ba ito or hindi?
hello! my baby boy is now 1 month and 19 days. ask ko lang kung normal ba na nagsskip ng 2-3 days bago mag poop ang baby? kasi baby ko ganon. wala namang bago sa color and consistency ng poop niya. yellow at malapot tapos sobrang dami since ilang days nga bago siya nakakapupu. maliban pa ron ay panay siya utot tapos mabaho. nung mga una nakikita ko siyang umiire tapos utot lang yung lumalabas. na-try ko na rin yung massage sa tyan tapos bicycle kicks pero wala effect. yung diaper niya madalas puno sa ihi lang wala pupu. mga 4 times na rin to yung ganto na abnormal sa pagpupu niya. sabi ng ate ko ay normal lang dahil breastfed naman si baby at talagang walang tapon yung breastmilk at naa absorb ni baby. chunky naman si baby boy ko, nag weight gain naman siya. napapaburp din naman nang ayos at madalas na nga magkusa sa pagburp. first time mom po ako and i badly need your advices regarding this matter mga mi. tia. โบ๏ธ