normal ba ito or hindi?

hello! my baby boy is now 1 month and 19 days. ask ko lang kung normal ba na nagsskip ng 2-3 days bago mag poop ang baby? kasi baby ko ganon. wala namang bago sa color and consistency ng poop niya. yellow at malapot tapos sobrang dami since ilang days nga bago siya nakakapupu. maliban pa ron ay panay siya utot tapos mabaho. nung mga una nakikita ko siyang umiire tapos utot lang yung lumalabas. na-try ko na rin yung massage sa tyan tapos bicycle kicks pero wala effect. yung diaper niya madalas puno sa ihi lang wala pupu. mga 4 times na rin to yung ganto na abnormal sa pagpupu niya. sabi ng ate ko ay normal lang dahil breastfed naman si baby at talagang walang tapon yung breastmilk at naa absorb ni baby. chunky naman si baby boy ko, nag weight gain naman siya. napapaburp din naman nang ayos at madalas na nga magkusa sa pagburp. first time mom po ako and i badly need your advices regarding this matter mga mi. tia. ☺️

4 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

yes, normal lang po sa bf baby. ang pag massage mo po sa kanya gawin nyo nang routine yan, makakatulong yan. bf din LO ko, massage ko rin siya before bedtime araw2x. ILU massage, at iba pa. pati sa paa niya mina massage ko din. so far 1 day lng skip ng popo niya minsan. utot din at utot. maganda nga yun kasi ibig sabihin, walang na tatrap na hangin sa tyan niya.

Magbasa pa