Over weight?

Baby Boy 3 months and 12 days po lo ko 6.9kg po ang timbang nya. Any advice or suggestion po di ko kase alam kung maniniwala ako sa sinasabe ng sister in law ko na same ko na nanay din, sabe nya kase over weight na daw baby ko and dame nyang side comment sa anak ko. Malusog naman ang lo ko, wala din sakit at super likot marunong na din sya dumapa on his own. Nasa tamang oras din naman ang pag feed sakanya, at tiki tiki lang naman ang vitamins nya. nag woworried tuloy ung asawa ko dahil sa sinasabe nila. Para saken wala naman problema anak ko, tingin ko kaya nya lang un nasasabe dahil naikukumpara nila ung baby ko sa baby girl na inaalagaan nila. 5 months na kase ung baby nila pero mas mahaba at malaki ang baby ko. At sa pagkaka alam ko base din sa sinasabe nila saken lately pabalik balik ang lagnat nung baby at grabe ang ubo at sipon. Kaya di ko alam kung baket mas pinupuna nila ung anak ko. Parang nagiging pabayang ina tuloy ako sa paningin ng asawa ko dahil sa mga sinasabe nila about sa lo ko. 😒 #1stimemom #firstbaby #pleasehelp #advicepls

Over weight?
2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

yung panganay ko nga momsh umabot ng 10 klo nung 3 months nya dnaman cya sinabihan ng pedia na pag diet kc malaki cya lumabas 3.8 tyaka din papa nya kc malaki din, at matangkad ngaun second baby ko momsh 5.2kl na cya 1month old palang pero pure bf, pag enadvice na kana na ng pediatrician na overweight c baby tyaka ka maniwala, mali pati ang e kompara ang baby sa ibang baby din,, ingit lang ang sister inlaw mo. kaya kung ano ano sinasabi.πŸ˜‚πŸ˜‚

Magbasa pa
Post reply image
4y ago

Thankyou po momsh.. lo ko 2.550 lang sya nung pinanganak ko. Natatakot po kase ako macs kaya super ingat ako sa mga kinakaen ko. Salamat sa advice po. Godblessed po sainyo ni baby😘😘😘