Nagkaroon ka ba ng Postpartum Depression o Baby Blues? Kailan?
234 responses

Sobra po. kahit nong buntis palang ako di maiwasan mag overthink na akala ko magiging okay na kami ng ama ng baby ko. Cs ako ftm din. Puyat, pagod sa pag aasikaso sa mga gawaing babay at kay baby. Nkkpanlambot. Dahil sa puyat di ako mkausap ng maayos nanginginig ung boses ko. Nilagnat din ako dahil sa pagod nadin. kahit bagong biyak ako galaw galaw na ako thanks God di ako nabinat. ( di ko naman hinihingi) Bumalik nadin kc ama ng baby ko sa manila. both my parents are working so ako lang dito sa bahay. Kaso ayun after 2 months, something came up. nag hiwalay kme ng ama ng baby ko. Dahil na confirmed ko na at galing na sa kanya na di niya na mbabalik ung totoong pagmamahal at kung ano deserve kong pagmamahal. Medyo okay na ako ngayon. cheneer up ko sarili ko, ung pagpapatawad at bigat sa puso ko pinasa Diyos ko. Para makapagsimula na ako. Ngayon nga lang grabe hairfall ko. Full time mom ako. mahirap ng wala din sariling income at sahod pero sige lang pag malaki laki na si baby simula na ulit ako. At lahat ng pangarap ko gala ko kasama siya dahil siya lang meron ako at ang forever ko.
Magbasa pa



