Post Partum Eclampsia Survivor

Babala: MAHABA Exactly 2 months ago today when I felt God's grace by giving me a second chance to live and be with my loved ones again. Hanggang ngayon pinipigilan ko paring maluha sa tuwing kinikwento ng mister ko kung papaano ko nagseizure, takasan ng kulay at ng hininga at irevive ng makailang beses at kung paano siya nag-alala na baka tuluyan na kong mawala sa kanila ng mga anak namin. To be honest wala naman akong naramdamang sakit ng mga oras na yun at wala naman akong malay.. pero ramdam ko ang sakit na naramdaman niya habang nagkukwento siya.. Ramdam ko padin yung panginginig ng boses niya. Katulad ng panginginig ng boses niya nung mga oras na kinakausap niya ang doktor tungkol sa kalagayan ko. Alam kong hindi lang para sakin ang pag-aalala niya, kundi para sa dalawang mga batang maliliit pa. Sa totoo lang sa tuwing naiisip ko na muntikan na kong mawala sa kanila nakakaramdam ako ng takot, di dahil sa takot akong kunin ni Lord, kundi sa takot ako na maiiwan sila.Ganon talaga siguro 'pag may asawa at magulang ka na.. Di ko rin maiwasan na isipin na kasalan ko din dahil nagpabaya ako sa kalusugan ko lalo habang nagbubuntis ako kaya nauwi sa ganon.. Ang dami kong narealize pag katapos nun. Nalaman ko ding bukod sa mga kapamilya namin ang dami pa palang ibang nagmamahal samin. Tunay ngang sa oras ng kagipitan dun mo malalaman ang tunay na nagmamalasakit sayo. Higit sa lahat napatunayan kong mabiyaya at napakabuti ng Diyos at di Niya ko pinabayaan sa oras na yun at binigyan niya pa ko ng pangalawang pagkakataon para makasama ang mga taong importante sakin. Tunay ngang ang Panginoon lang ang nakakaalam kung hanggang saan lang tayo. Anytime pwede niyang bawiin ang buhay na ibinigay niya sa atin, kaya dapat ito ay laging ingatan at pahalagahan.. 😊😇 PS. After 2 months ngayon lang ako nagkalakas ng loob na ipublic yung nangyari sakin, pero shinare ko to para nadin sa mga taong di makita ang kabutihan ng Diyos at para narin sa mga nanay na buntis at kakapanganak lang, pakiingatan ang mga sarili niyo, lalo na sa mga highblood. #NakakamatayPoAngECLAMPSIA lalo na pag post.. kasi di na namomonitor ang BP..😟😳😰 #ThankYouLordGod🙏🙌 #PostPartumEclampsiaSurvivor

1 Replies

VIP Member

grabe. ang hirap naman po ng pinagdaanan n'yo mommy. you're really strong po. hanga ako!

'coz i have a strong God beside me momsh.. His Grace is beyond measure.. 🙏

Trending na Tanong