Birth Story
Babala: Mahaba po ito SOBRA. Gusto ko lang ibahagi ang aking naging karanasan sa mga huling araw ng aking pagdadalang tao. BABY GIRL BABY MAOLYN DOB: Dec. 17, 2020 via NSD EDD via LMP Dec. 9, 2020 (41 weeks and 1 day) EDD via 1st UTZ Dec. 25, 2020 (38 weeks and 6 days) EDD via 2nd UTZ Dec. 22, 2020 (39 weeks and 2 days) EDD via 3rs UTZ Dec 18, 2020 (39 weeks and 6 days) (EDD pa lang litong lito na ako hindi ko malaman kung kailan ba talaga ang due date ko hahahahhahaha) Ito ang mga pangyayari ilang araw bago ako manganak at sa araw mismo ng aking panganganak. Dec. 4- IE 1 cm natuwa na ako nito kasi ibig sabihin open cervic na niresitahan na ako ng OB ng eveprim. Inumin ko raw 3 times a day. Dec. 7- IE close cervic nalungkot ako nung araw na ito dahil inaasahan ko may progress kasi umiinom na ako ng eve prim, kumakain ng pinya,umiinom ng juice, nag squat at naglalakad lakad pero wala eh nagclosed. Sa lungkot ko nung araw na ito mapaluha pa ako kasi lapit na due date tas close pa rin. Kung anu anong negative ang naiisip ko. kaya ang ginawa ko nagbasa basa ako ako dito ng mga same case ko para lumakas loob ko after magbasa basa positive vibes na ulit at buti na lang din kasama ko si lip para magpalakas ng loob ko. Dec. 11- IE 2 cm Nagalak ako dito ng bongga kasi nag-open na rin sa wakas tsaka sabi ni OB malambot na rin ang cervix kaso nga lang mataas pa si baby. Sabi ko sa isip ko malapit na! Yehey! May bloody show at mucus plug discharge na rin kaya lalo akong natuwa kasi sa mga nababasa ko kapag may ganun na raw ibig sabihin malapit na. (Kahit alam ko normal lang naman talaga ang bloody show after IE,dito ko lang din un nalaman) Sobrang excited na talaga ako. Nasa isip ko nga baka mamayang gabi lalabas na si baby (hehehehhehe). May mga ganun kasi akong nabasa kaso lumipas ang magdamag ung mga senyales na nararamdam ko( paninigas ng tyan, pananakit ng puson at balakang saka pagsakit ng singit) same lang ang intensity . Inisip ko na lang baka sa mga susunod na araw pa, chill lang ako. Saka naisip ko wag masyadong maexcite baka mapressure si baby. Kinausap ko rin si baby na lumabas na lang siya kapag ready na siya "no pressure". Wait lang namin siya ni tatay. Dec. 14- mucus plug discharge with gabutil na dugo after squats (morning) mucus plug discharge after squats (afternoon) Mucus plug discharge after long walk (afternoon) Dumadami na ang sign. Yehey!!! Dec. 16- white discharge with very light mucus plug Nagtaka ako dito kasi white discharge ulit at kaunti lang ang mucus plug. Nagstop rin pala ako nung araw na ito sa pag-inom ng eveprim kasi sobrang sakit ng ulo tsaka sa nababasa ko isa un sa side effect ng eve prim. Dec. 17- mucus plug discharge (morning) 3am pa lang gising na ako. Ewan ko bat ang aga ko nagising. Nagbrowse browse lang ako sa FB tas nung nagsawa na ako sa FB nagbasa basa muna ako dito. Bandang 5am, naiihi ako kaya nag-CR ako tas BOOM pagtingin ko may discharge. ANG GALING!! Hindi ako nagsquat o kahit anong exercise pero meron pa rin discharge. Ang saya saya ko pero sabi ko sa sarili ko "kalma ka lang self. Alam kong excited ka pero chill ka lang". Nagmorning walk rin kami ni Lip pagkatapos kumain at natulog na ako. *Blood discharge (afternoon) Nagising ako kasi nawiwiwi ako tsaka kailangan ko na talagang gumising dahil iinom ako ng mga vitamins at eve prim (nagbalik loob pala ako sa eve prim kasi naisip ko baka siguro nagwhite discharge with very light mucus plug discharge lang kasi hindi ako uminom ng eve prim). Pagwiwi ko at pagtingin ko sa inidoro. MAY DUGO! very light lang naman. Nagtanong pa ako sa nanay ko kapag may dugo ba pupunta na kaagad ng lying in. Kaunti lang kasi eh. Sabi niya Oo raw punta na. Kinausap ko si Lip, sabi niya siya na lang muna pupunta para magtanong kung kailangan na ba namin pumunta kasi umaambon ambon din. Naligo muna ako habang nag-aantay kay Lip. Pinagluto rin ako ni mama ng malasadong itlog. Pagkauwi ni Lip sabi ng mga tao sa Lying In punta na raw ako para ma-IE. *IE 4cm Pagdating nga sa Lying In. Nagpa- IE ako at ayun nga 4cm na raw. Sabi ni OB malapit na raw yun. Wag ko raw gaanong hawak hawakan ang tyan ko kasi baka daw pumutok ang panubigan ko at irefer nila ako sa Ospital. Pinauwi na rin kami after ilang minutong usap. *Bloody show Pagkauwi lalong dumami at lumakas ang bloody show. Base sa mga nababasa ko dito normal naman ung pagdugo kapag nagpa-IE kaya chill lang ako. Kumain muna ako at umakyat para magpahinga. *3:00 pm start ng moderate Contraction Nililibang ko sarili ko ng nga oras na ito. Nagtatahi tahi ako. Maya't maya na ang paninigas ng tyan ko. Ung sakit nagmumula sa balakang patungong puson. Base ulit sa mga nabasa ko dito ganun ang pakiramdam ng contraction. OMG! Kaya ang ginawa ko nag-install ako ng apps para imonitor kung gaano katagal at kadalas ang contraction. 3-5 mins lang ung pagitan ng tagal. Lagi sinasabi ng apps na pumunta sa hospital kasi manganganak na raw ako. Pero dedma ako. Kasi kaya ko pa naman. Moderate lang ung rate na nilalagay ko sa bawat intensity ng contraction. Baka kasi pauwiin lang kami ulit kapag pumunta plus masama talaga ang panahon eh. Ayoko namang pabalik balik sa lying in baka dapuan pa ako ng sakit mahirap na. *4:40 nagleak ng panubugan Done na ako magtahi ng mga bandang 4. Nakahiga at nagbabasa basa na lang ako sa apps na ito tungkol sa paglalabor atbp (hangga't maari iniiwasan ko ung mga sad stories kasi ayoko malungkot at tsaka ang iyakin ko pa naman). Nagpapatugtog din si Lip ng nga paborito naming kanta. (Ung masasayang kanta lang kasi nung huli akong nakinig at nanood ng music video ng malungkot na kanta, iyak ako ng iyak kahit ung kanta na Paubaya ni Moira naiyak din ako, hindi ko naman pinagdaanan pero naiimagine ko kasi at ang sakit talaga ng bawat lyrics eh..tagos sa puso eh). Bandang 4: 35 bumangon na ako at pumunta sa sala para tingnan kung ano pinanonood ng panganay namin sa Netflix (9 years old na ung panganay namin, ang tagal bago nasundan kaya halos nakalimutan ko na kung paano at ang pakiramdam ng manganak). Naglalakad na ako pabalik sa kwarto ng makaramdam ako ng parang may naglileak(btw naka napkin pala ako kasi may bloody discharge ako). Sinabi ko kay Lip tas sabi ko samahan niya ako sa baba mag-CR para icheck kung wiwi lang ba. Pagdating sa cr, umihi ako tas pinakiramdaman ko ang sarili ko. Confirm nga na may naglileak at panubigan na ito kasi hindi ko na mapigilan. Sinabi ko kaagad kay Lip at dali dali niyang kinuha ang mga gamit namin at tumawag ng traysikel. *5:00 pm naadmit Habang papunta sa Lying In, patuloy talaga ang paglileak. Kontodo close ako ng mga binti ko para hindi bumulwak ang panubigan. Pagdating sa Lying-In, may kaunting interview pa kay OB tas IE 5-6 cm na. Sabi may watery discharge na rin kaya admit na. Sinuotan na rin ako ng diaper. *6:00pm panay hilab(ang sakit sakit grabe) 6:00 tinurukan na ako ng pampahilab nung una akala ko wala lang. Pagkalipas ng ilang minuto grabe na contraction. Nasa ward pa rin ako. Sabi nila sabihin ko na lang kapag feeling ko matatae na ako kasi dadalhin na ako sa delivery room. Kaya ayun nakaupo lang ako. Kada hilab napapakapit ako ng bongga sa kama sa tabi ko halos maiyak iyak na din ako. ANG SAKIT PALA! ANG SAKIT MAGLABOR! (Masakit pala talaga, hindi ko na kasi maalala kung paano ako nanganak nung una, para akong nagka-amnesia. Ang huling alaala ko lang nun ay masakit ung tahi kasi daming dama bawat hila ng sinulid) Sabi ng OB kada hilab iniire ko daw. Damang dama ko ung pagbulwak ng tubig kada ire ko. Halos ilang segundo lang ung break sa paghilab. Halos hindi ko na rin matxt ang Lip ko na nag-alala sa akin kasi ang sakit sakit nร . Sa kama na lang ako nakakapit. Humilab ng tyan bongga ko at inire ko ng bongga sabay bulwak ng panubigan, feeling ko naubos na ata ang panubigan ko. Ang kasunod nito nakaramdam ako ng para akong natatae ng bongga. Sinabi ko na sa mga nurse, ang sabi ko "Ms. Natatae na po ako" (nahiya pa nga ako kasi kakain lang nila). Inalalayan akong tumayo at naglakad papuntang delivery room. (Para akong peguin maglakad hahahahhahahha. Pinahiga na ako sa upuan na ginagamit sa pagpapaanak. Pagtingin ng OB sa aking pempem, sabi niya 10 cm na raw. "Very good" daw ako (hahahahhaha). Tinuruan niya ako paano umire. Pangalawang ire ko kinapos ako ng hininga sabi ko sa kanila "wait lang po kinapos po ako". Pangatlong ire na mahaba with matching dagan sa tyan ko(hindi ko nadama ung sakit ng pagdagan kasi focus ako sa pag-ire), saktong 7:10 LUMABAS NA SI BABY GIRL. Sabi ni OB sayang 7/11 na sana hahahahhaha. After mailabas si baby, umire pa ako ulit kasi kailangan ilabas ang inunan. This time hindi na masakit ng bongga. Hinugasan na ang pempem ko, kontodo hawak ako sa kama kasi ang hapdi hapdi GRABE. After linis, tinahi rin ako ng vey very light. Hindi ko naramdaman ung sakit kasi may anesthesia. (Btw ung mismong panganganak ko walang anesthesia kaya damang dama ko ang bawat sakit, ung sa tahi lang meron). Worth it lahat ng pain ng marinig ko ang iyak at nilagay siya sa dibdib ko after ko siyang mailabas. Yung sakit na naranasan ko sa paglalabor nakakaphobia talaga. Bawat contraction mapapasabi ka talaga na "TAMA NA! LAST NA ITO" P.S Sa mga pangyayaring ito, lalo kong napatunayan ang pagmamahal ng partner ko. Hindi ko man siya kasama sa loob ng Lying In dahil sa protocol na bawal ang kasama sa loob, damang dama ko naman na nandiyan lang siya para sa amin ni baby. Bawat segundo pinapaalala niya na mahal niya ako at pinalalakas niya ang loob ko ako. Nagpapasalamat talaga ako ng bongga na siya ang naging LIP ko. Damang dama ko ang pagmamahal at pag-aalala niya sa amin ni baby. #theasianparentph #baby
Household goddess of 1 playful cub and 2 cute baby girl