the day has come

So, ayun na nga. Dumating na yung araw na kinakatakutan ko. Naghiwalay na kami ng bf ko. ? Naramdaman ko naman na aabot kami sa ganito kasi ever since nanganak ako hindi niya kinayang mag pakita sa parents ko, (hindi pa naman niya talaga na meet parents ko kasi hindi kami legal, sa side niya lang) akala ko kakayanin niya din pagkalipas ng ilang week pero wala eh tuwing sasabihin ko na mag pakita ka na isasagot niya lang sakin "nahihiya ako", "bubwelo lang ako". Hay. Akala ko pa naman lalaki anak ko ng makakasama ang tatay niya pero hindi pala. Mali ako. Akala ko kasi sa edad niyang yun kaya niyang harapin yung mga ganitong bagay pero mali ako. ? Sana hindi na lang kami nagkakilala para sana maayos yung buhay ko para sana nag-aaral na lang ako. Pero wala eh eto naging consequence ng mga choices ko at kung hindi rin naman to nangyari wala ang napaka-bait at cute kong baby hehe. Share lang po mga inay. #singlemom #supermom

8 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

At least lesson learned na di lahat ng lalaki prince charming madalas puro charing lng pangako ska hanggang iyot lang and madalas may balls pa Ang babae sa karamihan ng lalaki Kaya wag ka papalinlang ulitπŸ˜… Kung ayaw mo maisahan.. I advice na mag aral k ulit. Para sa anak mo. Npka hirap kumuha ng desenteng trabaho n may desenteng kita. Gawin mo Yun para sa future ng baby mo.. and para n din sayo pkaita mo n siya Yung nawlan at d k Niya binagsak pababa..

Magbasa pa
5y ago

Natawa ako dun sa madalas charing lang hahaha pero totoo to

VIP Member

Hi mommy, Single mom din po ako at ngayon 2years old na si baby kinayanan ko talaga siyang palakihin kahit ako lang at ang family ko, nasira din ang pag aaral ko noon pero ngayon tinutuloy ko na para din kay baby lahat ng paghihirap natin, sobrang minahal ko si baby kahit na wala yung tatay niya, never kami nagkulang sa pag aaruga ng family ko. think positive lagi kahit mahirap ang sitwasyon bilang isang single parent makakayanan mo yan! 😊

Magbasa pa

Same tayo ng situation mommy. Ako naman iniwan ng partner ko during my pregnancy (Last month pa po kami hiwalay) tapos ngayon 29 weeks na. Kinakayanan ko rin naman kasi ganun din eh (nung kami rin ako lang ang gumagastos sa lahat ng pangangailangan ko) stress lang inabot ko. KAYA NATIN β€˜TO MOMMY. Pakatatag tayo πŸ’ͺ🏻πŸ’ͺ🏻

Magbasa pa

Isumbong mo! Takot yun sa responsibilidad kaya ganun but anyways, Be strong mamsh! Di kailangan nang lalaki upang maging Completo ang pamilya! Balang araw ma intindihan din ng anak mo. Ipaintindi mo lng ng mabuti. God bless!

VIP Member

You can do it momsh! You are lucky na your parents still support you and your baby :)

Kaya mo yan. Hindi worth keeping ung mga taong ganun.

Stay strong mommy! 😊

5y ago

I will po! Salamat πŸ€—

pakatatag mamsh

5y ago

Salamat po ☺