AFTER ML BACK TO WORK - - REST DAY
ayun after 1wk from work nakapag rest day na ako kaya ayan ayaw pumayag na hndi sya sakin matulog ??? ang sarap sa pakiramdam na namiss ako ng anak ko natanggal lahat ng pagod ko sa isang linggong trabaho matapos ang ML ko na halos inabot ng 4mos sobrang hirap mag adjust bukod sa masakit sa paa at balakang ang maghapong pagtayo ng naka heels namimiss ko pa ang anak ko lalo na pag may mga baby na kasama ng mga parents nila ang nakikita ko at nilalaro ko pa yung iba, habang nakikita ko yun mga baby na naaamaze sa mga produkto namin naiisip ko "haayyy si Apolo kaya anong magiging reaksyon pag napasok dito?" yung pakiramdam na magkahalong excited ka at nalulungkot pero kailangan kong libangin yung sarili ko para panatag ang baby ko habang nasa bahay sya at ako nasa trabaho. Ang hirap mag adjust pero kakayanin ko para sa anak ko, aalis ako tulog sya dadating ako tulog na ulit sya, kaya kahit na kulang sa tulog makasabay lang ako sa gising nyang napaka aga. Naalala ko pa nga nung pangatlong araw na akong nakabalik sa trabaho pagdating ko nung gabi hindi ko na napigilan umiiyak ako, iyak ako ng iyak kase namimiss ko ang anak ko, napakahirap na noon araw araw kayo magkasama mula paggising hanggang pagtulog nya, pag iiyak sya ikaw agad lalapiy para patahanin sya, yung pag dede nya sakin, pagtawa nya sakin, pakikipagdaldalan, na nuon araw araw nyo magagawa maghapon pero ngayon sa umaga nalang paggising nya kse sa gabi tulog na sya tapos sa umaga kailangan mong mamanage yung oras ang hirap sobrang hirap pero kakayanin ko para sa anak ko. Ang hirap din na bago ka pumasok kailangan maasikaso mo na mapaliguan sya, maayos, mapainom ng vitamins, mahirap sa una kse parang kapos sa oras pero unti unti makakasanayan ko din. Buti na lang at andyan ang Mama ko para tulungan ako sa pag aalaga sa anak ko kapag wala ako, buti andyan sya para alalayan ako. ???
Mama of 2 lovely daughters