Nastroke si husband

Awang awa na ako sa asawa ko. Tulad kanina. Sa kagustuhan niyang makagalaw, nalaglag siya sa kama. Wala akong magawa kundi hayaan lang siya sa lapag at di ko kasi siya mabuhat. Natatakot din akong pilitin itaas siya dahil baka naman kung mapano si baby. Awang awa ako habang tinitignan siya sa pwesto niyang hirap na hirap pero wala akong magawa. Naiiyak na lang ako ngayon kapag naaalala ko. Sana malagpasan niya to. Sana makayanan namin ang pagsubok na ito. Wala kaming malapitan dahil patay na pareho ang magulang niya at ang nagiisang kapatid niya ay malayo sa amin. Ang nanay kong senior citizen na lang at 10 yo na pamangkin ang kasama namin sa bahay. Ang hirap pero kailangan lumaban para sa anak at asawa ko.

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Wag mo ipakita na naaawa ka mii,may tendency kase na mag-self pity sya. Always mo sya kausapin at masahiin lalo na joints.

always pray. prayers for you.