Share ko lang

August pa lang di nako dinatnan non tapos september 1st week bigla ako dinugo sobrang dami kaya nag napkin ako agad tiyempo naman na lapit na ako mag out sa work tapos nung time din na iyon lumindol samin nung nangyari iyon. Nag PT pa ako pero negative lumabas kasi gabi ko iyon ginawa. Akala ko delayed lang mens ko pero ilang oras lang yung pag dugo ko tapos sobrang dami pa lumabas. October nun hindi ulit ako dinugo kala ko dahil sa ulcer ko dahilan na sumusuka ako ng yellow liquid. Hirap din ako kumain non kasi nasusuka ko agad ilang minuto pa lang pagkakain ko. November na mag 4months na ako di nireregla kaya nag decide na ako magpa check up. Sinabihan ko yung bf ko kaya sinamahan naman niya ako. Pina PT muna ako ng OB tapos ayun agad agad nag positive siya. Actually di pa talaga ako ready magbuntis kaya matagal pa before ako nag decide magpa check up nung may nafifeel na akong matigas na bump sa navel ko. Una di pa kami kasal ng bf ko at tsaka gusto ko sana kasal kami before mgka baby pero may ibang plano si God para sakin. Eventually natanggap ko naman at nung unang ultrasound ko sobrang saya yung nafeel ko nung nakita ko na sya gumagalaw pa sya dun sa monitor. Masaya pala sa feeling kaya simula nun di nako nag worry kung ano man sasabihin ng iba nasa tamang edad din nman ako. 24 years old na po ako. Ngayon nasa 38 weeks and 3days na ako at excited na ako maging mommy. ?

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Malapit na due mo sis,pray kalang lagi at kausapin mo c baby para d kayo mahirapan pareho at sigurado naman ako na nanonood ka ng mga video about sa panganganak malaking tulong yun at mga exercise...

5y ago

yes po. salamat sis