Naghuhugas ng plato at nagluluto padin po ba kayo kahit preggy? (First trimester) thanks!

48 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Blessed to have a partner na supportive. Di pa man ako preggy e 50-50 kami sa household chores. Walang gender ang trabaho samin since pareho naman kaming kumakain at nagsusuot ng damit. But since nalaman na preggy na ako, sya na nagpupumilit na magrest nalang daw ako at wag magbuhat. Pero ako na makulit, ipilit ko tumulong paminsan-minsan lalo pag alam kong pagod sya sa trabaho alangan diretso magbabasa sya ng kamay. As for cooking, hinayaan ko na sya. Masarap kasi sya magluto hehe. Kaya din siguro di ako naging maselan sa mga amoy at lasa kasi ang sarap nya magluto. Sa laba naman, tumutulong din ako magsampay since may washing machine naman at banlaw lang kanya, sa kanya ko narin pinapipiga mga damit then tsaka ko isasampay. 😁

Magbasa pa

1st trimester nakahiga lang talaga ako at nakakakulong sa kwarto kasi mahiluhin at kada may maaamoy ako talagang kahit tubig lang laman ng tiyan ko, isusuka ko pa. Pero after ng 1st tri, eto back to paglalaba, paglilinis, paghuhugas ng pinggan. Tinatantsa ko katawan ko at di ko sinosobrahang mapagod. Sanay din kasi ako ng kumikilos prior to pregnancy kaya parang bumalik lang din sa dati. Pero merong mommies na until 2nd trimester medyo hirap kumilos. Pero wag sanayin po, wag ispoilin ang sarili kasi pag masyadong naging sedentary, ikaw din mahihirapang manganak. Pero ayun nga, iba iba tayo ng katawan kaya ingat ingat din po. May dala tayong buhay sa sinapupunan natin hindi lang po yung buhay natin.

Magbasa pa

alam ko , na iba² tau mag buntis may maselan meron nmng ndi. ang mga basic nmn na. trabahong bahay bilang isang ilaw ng tahanan need pa ding kumilos kahit papano. pag masyado mo sinelan sarili mo lalo na sa mga basic na gawain dun ka masyadong mag seselan. need pa din ng katawann natin ng konting kilos,pero ndi ko nmn cnasabing pwersahin mo sarili mo. payo ko lang yan nasa sau prin kung kikilos ka kahit sa mga simpleng gawain lang bilang tulong nlng din lalo na sa partner mo.

Magbasa pa
3w ago

No mi, pacheck po agad ka OB. And usually po pag may history ng miscarriage and nabuntis ulit, considered po as high risk. Kaya kapag may nararamdaman po na unusual, magsbi agad sa health care provider.

Nung una naglalaba, nagluluto at naghuhugas ako ng pinggang hanggang sa inayawan na ng katawan ko ang bilis ko mapagod 2-4 mos…as first time ko magbuntis nag iingat din kasi ako and thankful ako kasi sobrang support ng partner ko sakin. Nasa 2nd trimester nako medyo nakakagawa nako sa bahay, like luto pero yung babad kasi ng sabon yung kamay iniiwasan ko. Mararamdaman mo naman yan kung kaya mo pero wag mo pilitin kasi mahirap na baka maka apekto naman kay baby mo. Minimize mo nalang yung galaw mo.

Magbasa pa

ako po, yes. 7 weeks. medyo tamad, pero may times na gusto kong naghuhugas. di ako pinaglalaba ni Mister dahil sa init ng panahon, after ng 1st trim ako maglalaba. pero nagkukusot ako ng mga underwear namin. tamad na tamad, pero kinakaya at pinipilit ko para di ako maging maselan. dalawa lang kasi kami e, tapos lagi pa siyang wala due to work. blessing na bakasyon sa school ang 1st trim kaya okay lang maging tamad tamad. labanan mo mamsh. labanan natin ang tamad tamad feels. huhu

Magbasa pa

Yes, as long as hindi ka maselan sa iyong pagbubuntis then there's nothing to worry about... pero pag sobra laki na ng tyan and marami ng masakit, mas mainam na si hubby muna. Depende rin kasi sa inyong mag partner/asawa. I'm 8 months preggy but I still cook and wash dishes at times although di palagi...kasi parang exercise na rin tsaka masipag ako ngayon kesa 1st tri ko 😅ewan ko ba😁

Magbasa pa

ako mi naglalaba pa rin kahit low lying placenta at pinagbebedrest namamalengke pa rin at gumagawa ng gawaing bahay so far ok pa rin naman kami ni baby and super active rin nya sa aking tummy 🥰☺️ pero kung alam mo naman mi sa sarili mo na hndi mo kaya wag na ipilit dahil iba iba naman ang katawan natin at pagbubuntis 🥰☺️

Magbasa pa
TapFluencer

qng nde ka maselan pwede nmn.. pero wng maselan ka baka mkarisk s baby.. aq kc my history ng miscarriage tpos ngyn after 3yrs ngbuntis uli.. c ob n ngsabi kht pglluto at paglalaba wag n wag q gagawin.. wag daw aq kkilos s gawain bahay.. mapalad nmn kc ung asawa ko at anak q 10yrs old cla ang gumawa ng gawain n ginagawa q ng nde pq buntis

Magbasa pa

Minsan lang ako mi, pag maganda pakiramdam ko at feel ko magluto. Ayaw ko kasi ng amoy ng lutuan namin. Nasusuka ako. Thankful na lang ako at napakasipag ng hubby ko, kahit pagod sa maghapong pagtatrabaho, sya pa din kumikilos dito sa bahay pag di ko kayang kumilos. Anyway, 3 months preggy here po.

dito samin aq parin naghuhugas ng plato at nagluluto ng foods namin.laba hindi na,panganay kong anak na. natulong lang aq magsampay at magsamsam ng mga sinampay. di naman aq maselan sa lahat ng anak ko,pero pinapagalitan kz nila aq once na mabibigat n gawain ko,even grocery ayaw nila ipagawa sken.