CS OR NORMAL DELIVERY??

Ask q lng po if alin ang mas mdali mka'recover? Via CS or normal delivery?

147 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

If kaya po, normal delivery is better. Mahirap po ang ma-CS kasi bukod sa malaki ang gastos, medyo matagal din ang magheal sa loob. There are times na na feel ko makirot yung tahi lalo na pag pagod ako kasi 2x na ako na CS

Normal... Hindi masaya ang C.S promise... Magastos at mahirap magpagaling 1month bago ka makagalaw. And isa pa super ramdam mo tlaga yung injection sa likod mo.. If i do have a choice Normal delivery is the best.

Sabi nila normal delivery. Which is true in my case. Kc 3days pa lang ako nkapanganak via normal delivery, na amaze sakin byenan ko at nkakatayo at nkakakilos na ako.

sabi nila momsh normal pero kasi sa case ko mas mabilis ako naka recover nung na cs ako sa bunso. depende sa katawan mo if physically fit k daw sabi ng ob

Normal delivery po. PagCS ka kasi, matagal ang healing. Sa labas healed na pero sa loob, it may still bleed anytime pagnagkamali ka ng buhat or kilos.

Normal...Pero 2 times na qou na cs at Pangatlo na diz Nov..Npkhirap ang Ma Cs dhil khit malaki na ang ang anak moh mrrmdamn moh prin ung kirot.

VIP Member

Normal delivery po. Sa normal inaabot lang ng weeks pwede ka na ulit kumilos ng normal. Pero pag cs, matagal ang healing process. Inaabot ng months

Via normal syempre. CS kasi hindi ka agad makaka labas sa hospital. Dahil dapat naka utot at tae ka muna. Tapos may sugat kang dapat alagaan.😊

Normal delivery po.. weeks lang sa normal makakakilos ka na ng ayos.. e sa CS isang buwan pa bago ka makakilos ng ayos e.. hehehe.

VIP Member

Normal po syempre 😊 try mo mamsh manood Ng mga videos about sa mga pnganganak pra maging ready tau sa paglabas n bby soon.😇