Love Making while Pregnant
Ask lang po, totoo po ba na pag nagsisex daw during pregnancy pag lumabas daw yung baby, yung mga white particles sa katawan nya yun daw nagiging resulta? Sabi kasi nila dapat daw pag buntis iwithdraw nalang daw yung semen para hindi maiwan sa loob with the baby? Thanks for answering po.
Hindi po yun totoo.. unang una, nakabalot po si baby sa amniotic sac kaya hinding hindi po sya mapapasukan ng sperm habang nsa loob sya ng tyan natin .. yun pong mga puti na nakabalot kay baby pagkapanganak yun po ang tinatawag na vernix caseosa na nagreregulate ng temperature ni baby paglabas at may antibodies din po yun .. pangalawa, kapag ipinutok ni mister yung sperm nya sa loob ng vagina, unti unti rin po natin yun nailalabas kasi mabilis lang ang buhay ng sperm cell ..
Magbasa pa