Hingi ako advice please.. 1sttime mom here

Ask ko lng po 4months preggy nako. Pero liit ng tummy ko tapos feeling ko ang baba ni bb dito tlga siya sa mga baba ng puson. Natural naba yan?? Dami kasi nag advice dapat daw pahilot para mapa taas c bb at di sumasakit puson ko. Respect my post thankyou. #advicepls

11 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Sa bandang baba naman po talaga sila sa umpisa. Sa uterus kasi si baby, hindi sa tyan. Mukha lang mataas pag lumaki na si baby kasi mag eexpand ang uterus. Wala naman sa laki ng bump yan basta ok sya sa tests and check ups. Wag po kayo magpahilot, baka kung anong mangyari kay baby. Kung sumasakit po ang puson, iba iba kasi causes nyan pwedeng nag eexpand nga ang uterus kaya may konting pain/discomfort but if you're worried, consult your OB. I'll be honest with you mommy, andaming mahilig makialam sa buntis, suggest nang suggest, piliin mo lang ang paniniwalaan mo. Kung susundin mo silang magpahilot at mapano si baby, susuportahan ka ba nila? Aakuin ba nilang responsibilidad yun na sila ang nagsuggest? Hindi, sasabihin nila, nagsuggest lang sila pero choice mo kung susundin mo o hindi. Mahilig lang makialam kasi hindi naman sila apektado ng consequences ng suggestions nila. Trust your OB, wag mga sabi sabi ng kung sino sino.

Magbasa pa