32 Replies
Hello sis, depende kasi sa policy ng company yun... Sa amin kasi, ako 32weeks nagleave- applied for sick leave Lang til manganak ako. Nung nanganak saka nagcount ng maternity leave na 105days.. nung nagstart NG sick leave binigyan na ko ng med certificate and nakalagay dun what reason and til kelan Ang sick leave ko. Then additional med cert ( from civil service commission since govt employee ako) para maifile for maternity benefits ko po. I-clarify mo sa HR nyo sis yung protocol kasinyun nga iba iba talaga lalo na Kung private. Pero Ang Alam ko dapat may at least 2 months kang rest bago ka magwork and di pwede paikliin Yung 105days na ML mo. š
Magstart po ang maternity leave dun sa actual date na hndi ka na pumasok. Kasi 105 days lang po talaga un. Ako din po nagstart ung leave ng 34 weeks dahil sa twice na muntik na preterm labor ko kay baby. So feb 17 to may 31 ung scope ng maternity leave ko. Un din nilagay ni ob na dates sa med certificate ko. Dapat bigyan ka na ni ob ng fit to work as long as malakas ka na at kaya mo na mgtrabaho. Ako plan ko pumasok na ng may tutal normal delivery ang target ko...double pay naman kung pumasok na khit d pa tapos maternity leave. Government worker nga pla me.
Start ang mat leave sa araw na nagleave ka kht di ka pa nanganak. Unless finile mo as sick leave. Sa bagong batas kasi ganun pero dapat may matitirang 2 months post natal. You need to consume 105 days hndi pwedeng maaga kang pumasok kasi bayad yun ni SSS. With my co-worker's case, may tira pa sya ng 1 week sa leave nya pero pinabalik sya agad ni company. Late na nila nalaman na hndi babayaran ni company yung 1 week na pinasok nya kasi bayad na yun at madodouble compensate daw sya.
Kung kelan ka po nanganak mismo, un ang araw ng start ng mat leave mo. Hindi ka po pwde pumasok pa kc madodouble compensation ka, meaning bayad ka ng sss for 105 days, at mula sa araw ng panganganak ang simula ng bilang.. alam po dpt yan ng company mo, if pipilitin ka nila pumasok, bbigyan k nila ng waiver kc what if something happens to u habang ngttrabaho ka eh ang alam ng sss, on leave ka pa..
Based sa IRR pwede mo siya iavail earlier. so meaning kung kelan nagstart ka magfile for ML doon na magstart count yung 105 days. Unless meron kayong existing company policy for ML. Kaya OB ko sinusuggest niya na wag ako magfile ng leave earlier para masulit ko yung 105 days sa baby ko. In my case ng file ako ng VL muna since di ko pa sure kung kelan ako manganganak.
You can ask for another 30 days leave without pay kung sa tingin talaga ng OB mo you are not fit to work. Pwede niya indicate sa medical certificate 'yon.. Papayagan ka naman ng company niyan i guess kasi may valid reason and aside from than indicated naman sa law na pwede mag extend for another 30 days.
sa bagong maternity law allowed ng mag mat leave 1 month before the EDD nakasulat yun sa implementing rules ng batas. mula ng mag leave ka count 105 days. ang balik mo sa work should be the 106th day. earlier than 105 days hindi ka pwede bumalik sa trabaho dahil that can be considered as double compensation dahil binayaran ng sss at company ang full benefits mo for 105 days.
Expanded maternity leave means 105 days from date of your delivery fina follow po yan either in private or government institutions pero it depends po sa napag usapan nio ng company. Mommy better ask your HR what should you do, kasi sayang naman ung mga araw na di ka ssweldo unless ung napag usapan nio ng company is paid although out your leave.
Tama ka. Thank u maybe ill drop by to ask them . Salamat
ako nag start mag leave one week before ako manganak at counted na yun.. kaya maaga din balik ko sa work pero muntik na din hindi ako mapayagan kase start nga daw ng count is yung araw ng panganganak.. ang alam ko po 105 days leave pero pwede pa ulit mag extend ng obe month pero without pay na po yun..
Ilang days na po ba total from the first day na inavail niyo maternity leave? 105 days po yung mandatory leave. Kung hindi pa po kayo fit to work, you are allowed po by the law to extend yung leave niyo for another 30 days, upon filing request sa company stating your doctor's recommendation.
Mat leave starts the day of delivery 1 month prior to edd thats an optional leave with doctor's certification. 105 days expanded mat leave and you have an option to extend another 30 days w/o pay. Your company will violate the law if they insist.
Anonymous