Philhealth Benefit, Hindi Daw Nagagamit Kapag May History Ng Miscarriage Sa Una, Ayon Sa Lying In Na Pinupuntahan Ko.
Ask ko lang po sa mga naka experience na. First pregnancy ko last 2015, 8 weeks siya walang Heart beat. So, patay siya. Hindi ako niraspa kasi kusa lumabas, may nireseta lang si ob at sa House lang ako namahinga. Wala akong ginamit na philhealth syempre kasi sa bahay lang naman nagpahinga. Then, now buntis ulet ako 30 weeks na now. Nag ask ako sa lying in na accredited ng philhealth na pinagpapatinginan ko, sabi hindi ko raw magagamit ang philhealth sa kanila kung dun ako manganganak kasi may history daw ako sa una ng miscarriage.. Sa hospital daw magagamit ko. Kaso sabi 5k lang daw ang mababawas.. This hospital is private, so meaning mahal siya. Yung turing ng dra ko normal 30k package na raw yun with philhealth na, kasi 5k lang naman daw ang binibigay ng philhealth. Question ko lang, anyone po na naka experience ng lagay ko? Totoo po ba to? Any advice po sa makakabasa.. Salamat.