Pwede ba mag pa COVID vaccine ang 5 months na Buntis?
Hi! Ask ko lang po, nakapag pa vaccine na po ako ng 1st dose for COVID-19 last year, Astrazeneca po kaso nung pupunta na po ako for 2nd dose, nalaman ko po na buntis ako kaya hindi na po ako tumuloy. Ang concern ko po is need po na fully vaccinated na kami for graduation (undergraduate student, 23 years old), ok lang po ba na mag pa-vaccine for 2nd dose kahit buntis. 5 months na po ang tummy ko. Also, need din daw po kase ng bakuna para naman po sa mga buntis, ok lang po ba na ipagsabay ko po yun? Pasensya na po wala po akong ibang pwedeng mapagtanungan, yung tinanungan ko po na midwife kung saan po akong nag pacheck-up is hindi po ganun ka-klaro yung explanation and medyo masungit po. Bagong lipat lang din po kase kami dito kung saan kami nag stay and medyo malayo po sa pinaka-highway kaya mahirap po maghanap ng iba pang clinic. Salamat po sa sasagot :)