Ilang weeks ang pagsusuka ng buntis? Kailan din ang start nito?

Ilang weeks ang pagsusuka ng buntis? Ask ko lang mga Mommies, ano rin po ang iba pang senyales ng pagbubuntis 1 week hanggang 3 weeks?

84 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sa panahon ng pagbubuntis, mabilis na tumataas ang mga hormon kabilang ang estrogen, progesterone, at prolactin. Ginagawa nito ang matris na isang angkop na kapaligiran para sa paglaki ng sanggol. At kasabay nito, maaari itong magdulot ng kawalang-ginhawa sa ina. Normal ang karamihan sa mga pagbabagong ito. Kusang huhupa ang karamihan sa mga simpleng sakit sa pagbubuntis matapos manganak. Kaya hindi kayo kailangang mag-alala nang labis. Dapat iwasan ang mga halamang-gamot at gamot lalo na sa simula ng pagbubuntis dahil makakapasok ang mga ito sa sirkulasyon ng ipinagbubuntis na sanggol sa pamamagitan ng inunan. Nagdudulot ang ilang gamot ng lason o epektong teratogenic sa sanggol sa sinapupunan. Dapat laging humingi ng payo sa doktor ang isang buntis bago uminom ng anumang gamot. Maaaring hindi ligtas ang ilang mga essential oil para sa aromatherapy sa panahon ng pagbubuntis. Mangyaring kumonsulta sa mga propesyonal ng pangangalaga sa kalusugan bago gumamit ng aromatherapy.

Magbasa pa