Ilang weeks ang pagsusuka ng buntis? Kailan din ang start nito?

Ilang weeks ang pagsusuka ng buntis? Ask ko lang mga Mommies, ano rin po ang iba pang senyales ng pagbubuntis 1 week hanggang 3 weeks?

84 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Pagduduwal at Pagkahilo sa Umaga Napakakaraniwan ang pagduduwal sa mga unang linggo ng pagbubuntis. Maaaring makatulong ang pag-adjust ng inyong gawi sa diyeta upang mapawi ang kawalang-ginhawa. Maaaring humantong sa matinding pagsusuka ang ilang komplikasyon sa pagbubuntis at mga sakit gaya ng maraming ipinagbubuntis, molar pregnancy at thyrotoxicosis. Maaaring magresulta ang matinding pagsusuka sa pagkatuyo ng tubig sa katawan at hindi balanseng electrolyte. Mangyaring humingi ng medikal na atensyon kaagad kapag mayroon kayo ng mga sumusunod na sintomas: Hindi makakain ng anumang pagkain sa loob ng 24 na oras Pagbaba ng timbang Purong ihi o walang ihi sa loob ng 8 oras Matinding kawalang-ginhawa, panghihina, pagkahilo, pagkalito o kumbulsyon Masakit na tiyan, lagnat, pagsuka ng dugo Mga payo Kung maaari, kumain ng ilang tuyong pagkain gaya ng tinapay, biskwit, pagkaing kaunti ang taba, pagkaing mayaman sa carbohydrate (hal. kanin, noodle, niligis na patatas) at subukan ang ilang maasim na inumin (hal. lemonada, katas ng plum). Iwasang kumain ng mga pagkaing piniritong mabuti o mamantika, bawang at iba pang pampalasa at iwasang uminom ng kape. Kung masama ang pakiramdam ninyo sa umaga, bigyan ang inyong sarili ng oras upang makabangon nang marahan. Iwasang magsipilyo kaagad ng inyong mga ngipin at dila matapos kumain. Panatilihing bukas ang mga bintana para sa magandang bentilasyon. Magkaroon ng maraming pahinga at tulog sa tuwing magagawa ninyo. Maaaring mapalubha ng pagkapagod ang sakit. Kumain ng kaunting pagkain nang madalas sa halip na ilang maraming pagkain, halimbawa bawat 2-3 oras. Huwag tumigil sa pagkain. Uminom ng maraming likido sa pagitan ng mga pagkain upang maiwasan ang pagkapuno ng sikmura. Huminto sa paninigarilyo at hingin sa mga miyembro ng pamilya na huminto na rin sa paninigarilyo. Maaaring magreseta ang doktor ng mga gamot laban sa pagsusuka kung mayroon kang matitinding sintomas

Magbasa pa