Philhealth

Ask ko lang po kung pwede po ba ako kumuha ng philhealth 17years old lang po ako , hindi rin po ako cover ng magulang ko . 8weeks pregnant po ako . Ano po kaya requirements kung pwede kumuha ng philhealth. Maraming salamat po sa sasagot.

12 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

pag sa ospital ka manqanak kailanqan magulanq anq kasama mo at di ka pa makaka kuha nq philhealth since wala kapa sa age of 18th...dati kasi may nakasabayan ka patid ko maq pa check up sa ospital di siya tinanqqap kailanqan daw kasama parents.. paq maq pa check up.

ang alam ko, magulang mo ang kailangang magprocess ng philhealth nila at i aadd ka nila as dependent since 17 yrs old ka pa lang.

Bawal po 17 years old dapat 18 above pwedeng philhealth ng magulang mo gamitin mo sa panganganak pero ask ko po kelan kapo ba mag 18?

2y ago

Anong month?

Pwede po. Since magkakababy ka na need mo na ikaw ang magparegister para madependent mo na din si baby.

Need ng parents mo lakarin ang phil health nila dapat ilagay ka sa dependent kasi po minor pa 🙂

pwede naman kumuha Ako nong 17 years old Ako Tapos buntis Rin Ako nong time nayon

2y ago

ano po ba requirements pag kukuha , yung mga parents ko po nasa probins . ayaw ko rin po sila maabala . malayo po kase Sila sakin zamboanga pa Sila

TapFluencer

17 ako nakakuha ako ng philhealth nun fill up ka lang ng form

2y ago

online appointment na kase ngayon tignan mo sa site ng philhealth then magregister ka makikita mo naman kung ano yung mga kailangan pero ang tanda ko saken birthcertificate, valid id pero ginamit ko police clearance since wala pakong mga id

birth certificate po, tska payment. 400/mo

ako 18 naka kuha nako ng philhealth ko

Nope. you should be 21 yrs old and above.

2y ago

@Jeyxza for phic membership hindi sya 18 years old before to get one. Other government IDs yes, pero hindi kasi sya same ng philhealth membership. Glad to know binaba nila ng 18 years old for voluntary kasi 21 years old talaga sya dati. Chineck ko din website nila 21 years old padin ang nakalagay below 21 years old qualified as dependent. Di pa siguro na update