Ask ko lang po kung pano computation ng maternity benefits natin ngayong naexpand na siya? Normal or CS man. May nagsasabi kasi na same lang makukuha mapanormal o cs tapos ang computation nila 105 days multipled to contribution lang. Wala nang division na involve? Yun na talaga yun? Kasi kung ganun po, ang laki naman ata ng makukuha natin mga mommies? Medyo duda ko kasi sa ganun.
For example, ako employed...
Kung maniniwala ako na 105 days multiplied to my contribution lang per month which is 1481 pesos, ang kakalabasan eh 155, 505 pesos... Wow di ba? Too good to be true. Baka maubos natin ang pera ng gobyerno nyan at lahat ng nanay gustuhin na lang magpabuntis yearly? ?
So, sa may alam po. Kung maari yung talagang reliable source po at from SSS mismo nagwowork o may kapatid, pinsan, tiyahin, kamag-anak sa SSS. Baka po pwedeng paki-enlighten ang kagaya kong naguguluhan sa mga sabi-sabi. Thanks.