Checkup with hubby
Hello ask ko lang po if kasama nio sa checkup si hubby kausapin si doc or mas better na mag isa lang ako? THANKS PO SA MGA ANSWERS NIO DI KO NA MAREPLYAN LAHAT ISA ISA ❤️
Ako nabuntis ako ng pandemic kaya binawal. Yung patient lang pwedeng pumasok. Ganun pa man, binabanggit ko sa hubby ko since nagtatanung naman sya kung anong napagusapan namin ng OB ko at wala naman kaso dun, kasama man siya o hindi. Porket hindi kasama ibig sbhin walang supp na galing sa hubby hahahahaha. mas okay pa yung ipasok nalang niya sa work niya saka siya mag leave ng magleave pagkapanganak ko.
Magbasa paKasama ko siya every checkup from every pregnancy to checkups ng mga bata palagi ko siyang kasama. Mas okay kung pwede lang naman siyang makasama mo para hindi rin boring sa pila hahahaha. Pero dahil pandemic nga, naiiwan lang siya sa labas pag turn ko na, nung preggy ako kay bunso last year.
Kasama ko siya, twice lang ata yung hindi ko siya kasama sa check up ko. Nag hihintay lang sya sa labas then pag ako na tska lang sya pumapasok para makita si baby dahil kada check up ko may pa ultrasound si doc. Nasisilip niya at naririnig nya lahat.
Ako kasama ko siya. Para kung may hindi ako naitanong, siya naman magreremind. Tsaka para di ko na rin ikwento sa kanya napagusapan namin mo doc 😅 mausisa kasi si mister, pero mas okay na un saken kesa naman sa walang pakialam 😊
kami ng husband ko lagi magkasama every check up ko,yun nga lang hindi sya kasama pag magkausap kami ni doc kasi pandemic patient lang inaallowed pero mahalaga sinasamahan nya pa din ako.
Sa OB ko, strict sila na mommy lang papasok, sa labas lang yung companion, asawa, guardian. Kaya video ko nalang yung ultrasound ni baby.. Naka face shield padin kame sa clinic
Ever since kasama ko sya. Pati sa ultrasound kahit sa lobby lang sya haha. Sabi nya kasi first baby kaya gusto nya maging hands on mula pagbubuntis hanggang makapanganak.
Kasama ko sya ever since. Mas kilala pa nga sya ng Ob ko char. lol. Naniniwala ako na pregnancy is for both parents, iba pa rin po pag may support ng hubby
yep, isang beses lang di nakasama sakin partner ko kasi di sya pinyagan mag off nung time ng check up ko. mas maganda momsh para may kasama ka at aalalay sayo
depende sa OB. ako kasama ko lagi partner ko pag pumupunta ako sa OB, pero pinagbabawalan sya sa loob mismo ng clinic.