Fetus Weight
Ask ko lang po. My first ultrasound edd is 12/30/2022. I am now on my 32 weeks. Pero sa recent ultrasound ko 2.5 kg na si baby? Possible pa ba na lumaki to? Normal pa po ba if ever or masyado na syang malaki at need na mag diet?

Sa akin po nasa 2.5kg na rin nung 33w pagdating 38w 3.5kg sya sa utz... 37w naIE ako 1cm nun pero hanggang sa mag40w 1cm pa rin.. nagpa pelvimetry xray ako, kasya naman sya.. wlaa ko naramdaman kahit anong hilab/putukan ng panubigan. ganun ngang lampas due date na nun, nagpaadmit na ako sa lying in para mamonitor siya nun. magpainduce na rin sana...naturukan na pampahilab ay wala pa rin, pati nasalpakan na ko pampabuka, 1cm pa rin. kaso mahina galaw nya at dumating sa pataas hearbeat nya kaya nagdecide magpaCS na. nun lumabas na siya 3.7kg na sya. isa rin dahilan mahaba sya kaya di na sya nakagalaw pa at di nakatulong bumuka. yung kain ko pala nun, yun normal na kain ko lang din kahit nun di pa ako buntis. konting kanin lang (half rice lang palagi). kaso meryenda ko 3pm at 11pm ay 2 slices na gardenia with peanut butter taz nadagdag lang nun gatas at vitamins.
Magbasa pa