wipes
Hi ask ko lang po Anu po magandang gamiting baby wipes para sa newborn ?
Sa newborn ma ok if warm water and cotton muna. Medyo malamig kasi ung wipes pwede sya umiyak or magulat kapag nadampian non. Pag naka adjust na pwede na mag wipes try mo goo.N, mamypoko, organic baby wipes and sweet baby. Basta always choose the unscented one.
Mas maigi kung water and cotton muna... pero kung sa wipes, maigi iyung organic (green ang balot nya) kasi biodegradable talaga kaso medyo dry. Yung Nursy na violet ang balot walang sent at maganda din ipunas, maganda pa iyong bukasan.
Momsh maligamgam na water muna for newborn, and use cotton balls. Saka ka na po magwipes kapag mejo malaki laki na si baby. But try this wipes po from uni-love makapal at malambot po yan. Baka mahiyangan ni baby mo.
Subok ko na ang Huggies pero medyo pricey. Baby First, Nursy and Baby Flo maganda rin at affordable pa. 😊 It depends pa rin sa baby kung saan soya hiyang. Pero if nasa bahay lang cotton and water lang. 😊
para makamura po kayo cotton po tapos tubig nalang na maligamgam .. yan po ang gmit ko sa bby kong 3 mos. pero kung bby wipes po ang gusto nyo tlaga pra sa bby nyo yung organic po 😊😊
sawsaw mo ung cotton sa lukewarmwater tapos pigain mo, kada gamit mo ng cotton dapat tapon agad hindi mo na pwede ulitin sa pwet ni baby. bawat isang punas dapat dispose agad
Organic wipes po. Medyo mahal ng konti pero safe po sa baby and environment. Pero kung next na maganda sa baby giggles gamit ko rin. Iwas rashes yang mga wipes na yan. 😊
Cotton at water muna. Tapos kapag nag 1 month na magwipes kn. Gamit ko organic baby wipes yung color green. O kaya sanicare na bamboo. Color green and black yung packaging.
Warm water lang po and cotton or washcloth. Pero pag need po talaga wipes if pupunta sa labas try niyo po Unilove Baby wipes high quality and mura madalas pa naka sale :)
if sa bahay lang, warm water at bulak na lang po. for emergency purposes na lang po yung wipes. Check nyo po dapat unscented, hypoallergenic at alcohol/paraben free