diaper rushes
hi ask ko lang po ano po ba ang mas mabisang gamot sa rushes ni Baby? thnkyou sa response! ?
Nagkadiaper rash din lo ko before, bibili na sana ko ng cream pero nagdadalawang isip ako kasi positive sya sa g6pdd pero may nagsabi sa akin na ipanglinis ko lang daw is warm water at mild soap, patuyuin pagkatapos linisin, lagyan ng petroleum jelly tsaka lagyan ng diaper.. Ayun nawala naman. Maganda din pasingawan yung pwet ni baby wag lagi naka diaper at wag masyadong sikipan pag may diaper pero wag naman masyado maluwag na magli-leak na yung ihi. Dapat din na every 3-4 hours magpalit ng diaper, pag di hiayng si baby sa brand ng diaper palitan kagad at pag nag poops or puno na ng wiwi ang diaper, palitan na din kagad. Wag din haluan ng alcohol ang water na panglinis.
Magbasa pa