Ask ko lang opinion niyo mga mommies. Yung partner ko dati nung buntis ako, okay naman siya. Nakita ko good changes niya para kay baby. Pero ngayon, ibang iba na. Simula nung nanganak ako, lagi na kaming nagaaway. Parang wala na yung pagmamahal. Madalas nakikipaghiwalay ako kasi parang di siya dedicated masyado as a father. Ewan. Naguguluhan ako. Naiirita na ko sa ugali niya. Simpleng clean as you go, di magawa. Pagod na nga ako sa pagiging 24/7 na mother, pagod pa ko kakasermon sa kanya ng paulit ulit. Puro siya sabi ng maghahanap ng trabaho pero hanggang ngayon nganga pa rin. Walang usad. Parang walang plano samin ng anak ko.