MAT 1
Ask ko lang mga momsh, ngayon daw kase through online na ang pagpasa ng MAT 1? Sino po ba dapat pumasa ng MAT 1 sa SSS? ako po ba o ang agency ko? Empleyado pa rin kase ako pero nakaleave na ako.. Pumunta ako sa SSS ang sabi sakin through online and agency ko daw dapat magpasa nun. Tapos nung sinabi ko na sa coordinator ko ang sabi naman sakin dapat ako daw magpasa sa SSS branch mismo.. Hindi ko na po alam kung sino susundin ko. 3times na ako pabalikbalik sa agency at SSS branch pero yan palage sagot sakin. Hanggang naabutan na ako ng lockdown di pa rin napasa MAT 1 ko.. April 26 due date ko..