Unsupportive Partner

Ask ko lang mga momsh, naexperience niyo ba na hindi ganun ka supportive si hubby sa pregnancy niyo? 11 weeks palang ako kaya feeling ko hindi pa niya talaga naaabsorb na pregnant talaga ako. Ako kasi yung pinakamalakas kumita sa aming dalawa. Freelance professional po ako kaya via commissioned works lang ako kumikita. Sa bahay lang din po ako nag ooffice kaya lahat ng gawaing bahay ginagawa ko while working prior to getting pregnant. Pero ngayong buntis ako, sobrang bilis ko mapagod, naging makakalimutin, at humina ako magwork. Bumababa yung income namin at parati akong giniguilt trip ni hubby na wala na kameng pera. Wala akong magawa kundi umiyak nalang kasi hindi ko na alam gagawin ko. Maraming beses na 'tong nangyari. Although hirap akong magtravel dahil nagkaspotting ako dati, nagtravel parin ako to meet clients para kumita. Na kahit na bawal magpagod sa bahay, I still do chores to keep it clean. Pagdating ng work ni husband kakainin nalang siya at maglalaro ng games. I woke up early this day kasi naiistress ako sa dami ng work na di ko matapos tapos dahil ang bilis ko mapagod. Kinukwento ko sa kanya, pero instead dinagdagan niya pa yung stress ko by saying na next week may babayaran ulit kaming bills. Next next week check up na naman ako sa OB. Hindi ko maintindihan baket wala akong choice na mawala yung stress, na bakit kelangan ako yung magdouble effort to provide. Pasensya na po for venting out. Hindi ko na kasi kaya yung stress ko sa husband ko. #1stimemom #firstbaby #pregnancy #advicepls #pleasehelp

6 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

How are you coping po? 11 weeks and maselan nag pagbubuntis nyo.. don’t stress yourself too much. Hayaan mo dumiskarte si partner mo ng kanya. Tell him you need to rest kase buntis ka at mabilis ka mapagod. Hayaan mong sya ang gumawa ng paraan madagdahan kita nya this time. Let him also learn to help sa bahay. Kaya nga partner dapat tulungan diba? Wag mo akuin at kayanin lahat dahil dati kaya mo. Sometimes kelangan din naten ng break para mas maging effective tayo.

Magbasa pa