Unsupportive Partner

Ask ko lang mga momsh, naexperience niyo ba na hindi ganun ka supportive si hubby sa pregnancy niyo? 11 weeks palang ako kaya feeling ko hindi pa niya talaga naaabsorb na pregnant talaga ako. Ako kasi yung pinakamalakas kumita sa aming dalawa. Freelance professional po ako kaya via commissioned works lang ako kumikita. Sa bahay lang din po ako nag ooffice kaya lahat ng gawaing bahay ginagawa ko while working prior to getting pregnant. Pero ngayong buntis ako, sobrang bilis ko mapagod, naging makakalimutin, at humina ako magwork. Bumababa yung income namin at parati akong giniguilt trip ni hubby na wala na kameng pera. Wala akong magawa kundi umiyak nalang kasi hindi ko na alam gagawin ko. Maraming beses na 'tong nangyari. Although hirap akong magtravel dahil nagkaspotting ako dati, nagtravel parin ako to meet clients para kumita. Na kahit na bawal magpagod sa bahay, I still do chores to keep it clean. Pagdating ng work ni husband kakainin nalang siya at maglalaro ng games. I woke up early this day kasi naiistress ako sa dami ng work na di ko matapos tapos dahil ang bilis ko mapagod. Kinukwento ko sa kanya, pero instead dinagdagan niya pa yung stress ko by saying na next week may babayaran ulit kaming bills. Next next week check up na naman ako sa OB. Hindi ko maintindihan baket wala akong choice na mawala yung stress, na bakit kelangan ako yung magdouble effort to provide. Pasensya na po for venting out. Hindi ko na kasi kaya yung stress ko sa husband ko. #1stimemom #firstbaby #pregnancy #advicepls #pleasehelp

6 Replies

Focus on your health muna, mommy. Kung nagsspotting ka na, avoid going out na muna, I'm not sure kung anong field ang trabaho mo, but I'm pretty sure they'll understand kung bakit hindi safe for you na byahe nang byahe. Let them know, explain your situation, at kung marunong naman silang umunawa, they'll be more accommodating naman siguro. You need to have a serious conversation with your husband kasi at this point, he's not acting like one. Alam nyang buntis ka, he needs to step up, not only while your pregnant but from this point forward. Paano pag nanganak ka na and you're still in recovery? Don't baby him. Let him know na kailangan mo magpahinga. Hayaan mo muna yung ibang chores kung hindi talaga kaya. Wag mong pilitin kasi katawan mo na mismo ang nagsasabing hindi mo kaya sa ngayon. Talk about division of chores sa inyong dalawa kasi mukhang sobrang unfair for you. Remember mommy, you are his wife, not his mother or yaya. Magkatuwang dapat kayo.

well said momshy

Ang sarap naman pong tsinelasin ng hubby mo. Nakooo. Dapat maintindihan niya po na di na kagaya dati ang sitwasyon. Usap ng masinsinan at ipaintindi mo po sa kanya yung nararamdaman mo at stress. Sorry to say pero feeling ko po kasi masyado na siyang nagrelay sayo kaya ganyan siya. Spoiled husband parang ganun po. Siya po dapat ang mag-adjust at hindi ikaw. Mas mahirap kapag lumabas na si baby at sayo pa rin lahat. Na sana wag naman pong mangyare kaya dapat ngayon palang magkaintindihan na po kayo at ano ba talaga ang responsibility niya.

I feel you mommy. Wala ding pakialam samin ni baby yung daddy niya. No emotional support during my pregnancy, ni hindi kinakamusta yung updates kay baby. You're still blessed with a job that allows you to provide for your baby. Sa case ko po, nawalan ako ng work kaya parents ko gumagastos sa lahat. Nahihiya man ako sa kanila pero wala akong magawa at this point. Take care of yourself mommy. Wag mo sagarin yung sarili mo with everything kasi need mo ng strength for your baby.

VIP Member

How are you coping po? 11 weeks and maselan nag pagbubuntis nyo.. don’t stress yourself too much. Hayaan mo dumiskarte si partner mo ng kanya. Tell him you need to rest kase buntis ka at mabilis ka mapagod. Hayaan mong sya ang gumawa ng paraan madagdahan kita nya this time. Let him also learn to help sa bahay. Kaya nga partner dapat tulungan diba? Wag mo akuin at kayanin lahat dahil dati kaya mo. Sometimes kelangan din naten ng break para mas maging effective tayo.

Gurl focus ka sa health mo and sa baby. Mas malaki din kita ko before dun sa dati ko work but I chose to resign kasi risky and stressful. Si hubby sya din nag encourage na mag resign ako. Nag apply ako wfh. Wag mo masyado stressin sarili mo sa pera. May mga changes talaga like kung dati nakakagastos kayo ng ganto ganyan pero tbh mas importante yung may peace of mind. No need na pera pera lagi.

naku bebe gurl.. focus muna sa sarili mo para sa baby mo na nasa tummy.. wag mo ipamper yung mister mo. hayaan mo sya mag bayad ng dapat bayaran, selan kaya ng lagay mo.. hinde masamang maging selfish minsan, lalo na sa kalagayan natin.😉

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles