Gender Disappointment

Ask ko lang mga mommies, ako lang ba dito yung nalungkot after ko malaman yung gender ng baby? Gustong gusto po kase ng husband ko ng baby boy, and lagi nya sinasabi na sya hands on sya kay baby if boy. Lahat ng kapatid nya na apat, puro boy panganay, sya lang naiiba, panganay namin girl. Nallungkot lang ako mga mommies kase kitang kita ko yung disappointment ng hubby ko nung sabihin ni doc na 90% girl baby namin. Nagmsg pa si hubby sa ate nya kung pede palit nalang daw sila ng baby, kanya yung boy kay ate nya ung girl namin. Masakit para saakin na first time mom rin, kase gusto ko lang makitang masaya din si hubby para sa amin ni baby.. Ako as mom, wala akong ibang prayer kundi healthy and strong baby para sa amin. Mga mommy penge naman advice, pano ma cope ung gender Disappointment? ? Thank u

773 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Mas nakakadisappoint ang ugali ng hubby mo. Panganay namin girl. 11yrs old na. Nakunan ako sa 2nd baby namin na boy. Now I am 27 weeks pregnant. Nung di pa namin alam gender ng baby ko I always ask him kung anong gusto nyang gender. Sagot nya okay lang kahit ano basta healthy kayo pareho and di ka mahirapan. I know deep inside him gusto nya ng boy but he didn't voice that out kc ayaw nyang magkaroon ako ng feeling na nadisappoint ko sya if turned out na babae. Grabe naman hubby mo. Nakuha pa nya magmessage ng ganun sa ate nya. Anak nyo pa din naman yan. Blessing yan kahit ano pa gender nya.

Magbasa pa
5y ago

Tama momsh mas nakakadisappoint yung ugali nilang mag asawa,hindi lang sa lalaki,pati ndn sa babae,nadisappoint kayo kase hindi nyo nakuha ung gusto nyong gender?mas nakakadisappoint ung ugali nyo,imagine kapag nalaman ng anak nyo yan paglaki nya kung ano mararamdaman nya,napaka selfish nyo,magpasalamat nakang kayi sa blessing na natanggap nyo!!anong klaseng magulang kayo