IN LAWS

Ask ko lang mga mamsh , okay lang bang magpabayad ang Lola or Lolo sa pag aalaga ng apo nila ?

20 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

sa tingin ko moms, khit wlang bayad ok lng kc apo lng din nman nila. at kung mabuti silang lolo at lola hindi nila aalagaan c baby ng dahil lng sa pera, kusa nilang gagawin yun ng wlang kapalit, pero syempre as a mommy, tayo dapat nkakaintindi tayo at mgbigay nlng ng pera as pasasalamat sa pg aalaga, pero hindi yung pinag usapan tlga kung mgkano at prang sweldo.

Magbasa pa

Nung sa panganay ko si mama ko nagbabantay pero still pag sumasahod ako inaabutan ko siya kasi alam naman natin na instead na nagpapahinga sila nag aalaga pa sila which is dapat tapos na sila sa point nayun kasi satin ang responsibilidad and besides ku g kumuha kadin naman ng magbabantay babayaran modin naman yun not sure kapa kung ligtas ang bata saknya.

Magbasa pa
5y ago

πŸ’•πŸ’• iba kasi mag alaga ang magulang(lola/lolo) pagdating sa mga apo kaya kahit pagod sila sa pag aalaga alam natin na di nila sasaktan dahil mga apo ang dahilan ng bawat ngiti nila😊 sarap kasi kapag sila nagaalaga hindi sila humihing pero ikaw mismo ang magbibigay masayang masaya sila na kahit wala silang hingin na kapalit nagaabot ka.

Abutan mo nalang mamsh. Wag mo isipin na bayad. Pakunswelo sabi nga db. Syempre matanda na yun at may mga gastos din sila o gusto bilhin,hayaan mo na.lalo na kung may trabaho ka o partner mo. Hindi naman iba ang nagaalaga sa anak mo e. Lola at lolo naman niya.kumbaga tiwala ka na aalagaan talaga nila. πŸ™‚

Magbasa pa

mga parents ko nag-aalaga sa mga anak ko binibigyan ko sila ng pera pero hnd ko sinasabing sahod :) kusa ko ng tinatrasfer sa account nila at ang sinasabi ko panggala nila sa mall :) pasasalamat ko sa kanila kasi inaalagaan nilang mabuti mga anak ko at mahal na mahal nila

VIP Member

Para sakin ok lng po.. Kasi parang d u narin matawag na bayad un kundi tulong na rin po un para sa kanila.. Lalo na kung wala naman sila mapagkakakitaan.. Isa pa mahirap naman mag alaga ng bata.. At atleast kapag inlaws mo mag alaga kampante ka pa na safe ang anak mo..

For me ok lng po. .mahrp kc mg alaga ng bata. Ska mas kampante k po kc lola mag aalaga. S pnhon po kc ngayon ang hirap ipgkatiwala s iba ang ank ntin. Matutulungn mo rn sya kht papano financially. S halip na ibyd mo s iba, s byenan mo n lng.

VIP Member

Hindi tamang term ang "bayad" eh. Abutan mo nalang sila parang pasasalamat mo na din sa pag aalaga nila sa baby mo. Pero pag sila ang nagsabi na bayaran mo sila, ay ibang klaseng lolo at lola mga yan. πŸ˜‚

Okay lang na mag abot kasi konswelo. On my case nga po nakapisan kami sa parents ni hubby ko. Sila pa minsan nagbibigay ng pangmilk amd diaper.. siguro case to case basis pang talaga.

Para sa akin ok lang lalo na kung wala naman silang sariling perang panggastos. Kasi mahirap din magalaga ng bata at saka mas secure kapag relative yun nagaalaga kaysa sa ibang tao.

5y ago

Sa Case ko kasi mamsh , my work pa ung papa nung asawa ko ang sabi ko kc sa asawa ko maghahanap tau ng mag aalaga at bbyadan natin nung nlaman ng byanan ko un inako n nya pag aalaga sya n daw ang bayadan .

Sa panganay ko byenan ko nag bantay kasi gusto nila na magwork nako.. hindi naman totally na every sahod kami nag bbigay.. pero kahit papaano nagbbigay kami sa kanya.