Di kumakain 2 days na

Hello ask ko lang meron ba dto same ng experience sa baby ko? 3yrs old na sya. Yung baby ko kasi may ubo at sipon nung Friday nilagnat sya tapos nawala naman pinainum tempra. Tapos naging okay na sya nung Saturday nung dumating ang Sunday at Monday Hindi na sya nagkakain. Never sya kumain Ng kahit Anu puro tubig lang. Ayaw nya kumain kahit Anong pilit. Bumalik ulit lagnat nya. Ubo at sipon. Ipapacheck up ko na sya bukas. Iniisip ko baka virus to o viral infection lang. Kayo anung ginawa nyo? Nag aalala kasi Ako sa baby ko.

6 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

nagkaganyan yung 2yo ko nito lang katapusan ng March gusto niya kumain pero nagsusuka kasi kaya nawalan ng gana at 7x suka niya diretso ER agad d ko na pinatagal at baka madehydrate ayun naconfine may Pneumonia, ang sinusuka nung una puro phlegm hanggang sa pati food nasusuka na... yung sayo mi para sa akin lang ha... ER na dapat within 24hrs na wala intake kasi hindi enough ang water lang.. dapat kahit papaano mag Milk sana si Baby mo kung tubig lang baka bumaba ang blood sugar niya

Magbasa pa
7mo ago

I agree po dito na diretso ER na... ok lang ang checkup for sipon at ubo, pero kung wala na pong gana kumain at matamlay na, worrying na po masyado.

malamang walang gana yan at may masamang naramdaman di naman tulad yan ng mga matatanda na na kahit walang gana pinipilit kumain kasi alam nilang kailangan. yan wala pa yan nung ganong mindset kaya kung ako sayo dinala ko na sa ospital yan at pabalik balik yung ubo sipon at lagnat niya🤦🏻‍♀️

VIP Member

Tatlong anak ko din mii ubo at sipon. Yung bunso lang namin na 4 month ang napacheckup at pinag antibiotic ng pedia nila. Yung dalawa, 2y at 1y old di namin oina checkup. Wala rin appetite nun may clogged nose sila pag papakainin ko nasusuka din yung isa dala ng inuubo nga.

VIP Member

possible na dahil sa ubo at sipon, nag mimilk paba sya? if yes okay lang na yun lang muna, pero try to offer solid if ayaw then don't push kasi may nararamdaman, pero better na macheck na ng pedia for proper meds

kung wala siya gana at ilang araw na di kumakain dapat dalhin na po sa nearest hospital po. kahit magpaswero lang po kayo at maresetahan si baby ng gamot na para sa kanya

pwede Pong masakit Ang lalamunan NYa. ganyan din Ang baby ko dati ayaw kumain