Valid feelings

Ask ko lang kung tama ba ung nararamdaman ko na mainis kasi we have a car and ung family ni husband lagi na lang nanghihiram . Ok lang on special occasions pero kung kada kibot na lang eh manghihiram di ba sobra naman un. Di birong halaga ang ginugugol namin for that car. Tapos sila sige gamit lang. Ang masakit pa sakin they never ask from me. Lagi sa asawa ko lang. Nagugulat na lang ako gagamitin na pala nila. Asawa ako, co-owner, I have a right di ba? Im just tired na ako lagi ang uunawa, magpaparaya . If you're in my shoes what would you feel? What would you do?

6 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

I guess wala naman siguro masama sa panghihiram. Pero dapat once na hiniram i-full tank pagbalik, then ipa-car wash. Sakin okay lang pag hinihiram ng kamag anak yung car namin as long as hndi namin gagamitin. I suggest pag nanghiram ulit sila, sabihin ng asawa mo ipaalam muna sayo. Para maging aware din kamag anak niyo na hndi laging okay na hinihiram yung ssakyan niyo. Baka pag sayo nagpaalam tablan sila ng hiya πŸ˜‚

Magbasa pa
5y ago

Huh? Bakit need manghiram ng kotse? What the heck? Mgayon lang ako nakarinig ng nanghihiram ng kotse

Try to make excuses like dadalhin sa casa for repair or papachange oil and such. Siguro if nakatatlong excuses na kayong magasawa eh makakaramdam na yang mga yan. πŸ˜’ Dapat makicooperate yung hubby mo sa'yo. Ok lang naman mahiram once in a while basta aalagaan yung car and full tank sana pagbalik hahaha πŸ˜‚

Magbasa pa
5y ago

Thanks sa mga sinabi nyo. Kala ko oa lang ako at nagdadamot. Now I know tama ako sa mga nararamdaman ko. Tama naman ung isang anonymous. Kahit magpahiram ako they wont like me. Nanggagamit lang sila. Nakakapagod na din.

Eh bakit niyo pinapahiram? Ngayon lang ako nakarinig ng kamag anak na nakikihiram ng kotse πŸ˜‚ sorry ah, pero laki ba sila sa hirap? Lahat naman kasi sa pamilya nakin may kotse πŸ˜‚πŸ˜‚ wag ka pumayag teh

5y ago

Hindi naman lahat may kotse. :)

Kinausap ko naman na. Nahihirapan lang tumanggi sa pamilya nya. Un ung problwma eh kaya namimihasa. Nakakainis

Maluluma kakahiram pero kapag nasira di naman sila magsashare ng pagawa. kausapin no husband mo sis.

Kausapin mo po asawa mo