late na paglaki (pls pa read and pahingi po opinion)
hi, ask ko lang kung may same exp saken nag pa ultrasound ako kahapon ans dapat 29 weeks and 4 days na si baby pero nakita na 28 weeks and 3 days lang sya. Nalate sya ng paglaki bigla. Tinext ko si OB kagabi pero until now walang sagot. Okay naman sya pero bumagal ang development nya. Religiuously taking my prenatal naman, may anmum pa din ako, more on veggies and fruits, water and oats ako. If mg cheatday ako once o twice a week pero no fast food. Di ko alam anong ngyare. 😔 FTM
![undefined profile icon](https://static.cdntap.com/parenttown-prod/profile_15637872962857.jpg)
please mommy baka may same exp. sa akin anong pinagawa sa inyo ni OB? may pinabago ba sa food intake nyo? may ibngay ba sa inyo o pinalitang vitamins? nabasa ko kse na possible stillbirt or CS with defect si baby if di mahabol. 1st baby namen ito after 4 yrs... okay naman ang health ko di ko alam ngyayare kay baby. btw..4D ultrasound ung pinagawa ko kahapon. Di sinabe saken nung ng ultrasound na ung age ni baby nakita ko lang nung pagbukas ko na ng result 😔okay naman ang fluid ko sa katawan, okay ang placenta okay din ang CAS ko before.. sa thursday pa ang check up ko since un lang available ung OB ko at sched na din ako ng turok non.
Magbasa pasame tayo mi ako 37 weeks na sa lmp ko tapos 35 weeks pa lamg sya sa AOG. pinag doppler ako mi if anong problem bakit sya nalate or maliit. okay na man sabi ng ob ko normal naman lahat sakanya maliit lang talaga sya sakin ngayon nga 35 weeks na ako turning 36 2500 na timbang nya nov 10 due date ko. malikot naman si baby ko e . Tyaka maganda heartbeat nya. ❤️ nung nalaman ko din un na maliit sya pinainom ako ng OB ng Amino multivitamins para sa pag laki ng baby..
Magbasa paKahapon pinag ultrasound bps ako sabi ng ob ko wag ko na daw palakihin si baby kayang kaya ko daw yun.
ok lang naman po iyan, alalahanin po ninyo na estimation lang ang nakukuha ng ultrasound. 1 week lang naman po ang delay,hindi po yan masyadong malayo. sa case ko nagpa ultrasound ako ng 38 weeks c baby, pero lumalabas sa sukat niya. 37 weeks. at maniwala po kayo sa OB ninyo, sasabihin naman nila yan kapag area of concern po ang nakikita sa Ultrasound. wag po kayong masyadong ma worry mommy, as long as walang unusual sa pagbubuntis ok lang iyan..
Magbasa paMi mataas ba sugar or bp mo? Baka kelangan mo mas kumain pa if di naman mataas yung mga yon? Baka naoover diet ka and affected na si baby. Ako kasi diabetic and hypertensive and tho kelangan ko mag diet, super kain para hindi ma behind yung paglaki ni baby. Pero I make sure lang na hindi mag spike sugar ko by regularly checking. Awa ng Diyos sakto pa naman laki ni baby. Baka kasi kulang yung kinakain mo for the both of you.
Magbasa pasalamat mi sa pagsagot sa akin ha ♥️♥️♥️ wait ko pa din amg sagot ni OB sken na until now wala pa din, di ko alam kung anong action ang ggwin nya about don o kung anong next step namen para mahabol si baby. ♥️ salamat mi, Godbless sa journey natin ♥️
😔 need your opinion po 😔 malikot naman si baby sa loob, exercise ko is 15-20 minutes walk lang once a day. Nakaka lungkot, di ko alam kunh paano ako mg search pa sa google, fb,youtube o dito sa app kung ano ba dapat ang keyword para makahanp ng same questions sa tanong ko. Please mommy..nedd your opinion please 🙏
Magbasa pahi mamsh same experience po pero sabi sakin ni ob 2 weeks before and after lmp po is ok. pagdating ng 34 weeks sa weight na ni baby nag base si ob via ultrasound. binigyan ako additional vitamins. aun ok naman si baby po paglabas at 37 weeks.
Same case mi , wag ka paka stress kasi matagl tagal pnmn mi and share k lng ung boss ko nanganak sya late ata ng 2 weeks sa ultz nag pa cs sya ikaw 37 weeks nya pag labas ni baby nasa 40weeks na sya wag din masyado diet mi
ilang weeks ka late mi? ano daw po cause bakit kayo nalate ng bilang o ung sa boss nyo po? okay naman daw po si baby? healthy naman po?
okay lang po ata if ganon. kasi ako last check up ko 26-27weeks nilagay ni ob sa log nya. kumbaga walang exact week. pagbasehan nyo na lang po first ultrasound nyo kasi usually naman po yun daw ang nasusunod.
hello mommy, so parang maliit siya ng 1week para sa age niya? kamusta ba ang bp mo at sugar mo? ano pa ibang nakalagay sa ultrasound mo? okay naman ba ang heartbeat at ang cardiac activity niya?
nagpaCAS ka naman ata mommy at okay naman ang result, okay lang naman siguro yan. pero better ask your OB na lang rin.
up plese mommy i need your opinion..wala pa ding reply si OB. Pinasa ko na sa knya ung dlwang ultrasound na may 2 weeks na pagitan 😔 natatakot na ako 😔