Agree ba kayo na mas okay na hayaang maligo sa pawis si baby habang natutulog sa gabi?

Hi! Ask ko lang. Hindi kami nagkakasundo ng biyenan ko when it comes to my baby sleeping with the electric fan on. Sabi ng biyenan ko mas maganda raw na pagpawisan si baby habang natutulog. Naaawa naman ako sa baby ko kung hahayaan ko siyang initin at pagpawisan habang natutulog kaya nag-e-electric fan kami. Sa araw naman, lagi naman siya pinagpapawisan dahil lagi naming pinaglalakad. Kaya, aree ba kayo na mas okay na hayaang maligo sa pawis si baby habang natutulog sa gabi? Sabi kasi ng Mama ko, puwedeng maging sanhi ng pneumonia lalo kapag natuyuan ng pawis si baby. Ang issue ko naman kasi, lagi nilang pinaparamdam tsaka minsan na ring sinabi na magastos kami sa kuryente dahil magdamag daw kami naka-electric fan. Tuwing matutulog si baby naka-electric fan. Alam ko namang mahiya kaya kapag ako lang sa kwarto kahit sobrang init, hindi ako nag-e-electric fan. Kapag lang talaga natutulog si baby. Let me know your thoughts po. Salamat!

16 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

kabaliktaran ng byenan mo ang byenan ko..nung new born palang ang baby ko gusto nya nakatutok sa crib ung fan,kasi dw mainit at naiinitan ang apo nya papawisan dw,pero ang sabi ko dapat nkapaikot lang 😅.,ending pa bumili pa ng aircon ang asawa ko para sa room namin jusme.,at kpag nsa baba kmi may electric fan na may clip fan pa dahil sa init.,

Magbasa pa