Agree ba kayo na mas okay na hayaang maligo sa pawis si baby habang natutulog sa gabi?

Hi! Ask ko lang. Hindi kami nagkakasundo ng biyenan ko when it comes to my baby sleeping with the electric fan on. Sabi ng biyenan ko mas maganda raw na pagpawisan si baby habang natutulog. Naaawa naman ako sa baby ko kung hahayaan ko siyang initin at pagpawisan habang natutulog kaya nag-e-electric fan kami. Sa araw naman, lagi naman siya pinagpapawisan dahil lagi naming pinaglalakad. Kaya, aree ba kayo na mas okay na hayaang maligo sa pawis si baby habang natutulog sa gabi? Sabi kasi ng Mama ko, puwedeng maging sanhi ng pneumonia lalo kapag natuyuan ng pawis si baby. Ang issue ko naman kasi, lagi nilang pinaparamdam tsaka minsan na ring sinabi na magastos kami sa kuryente dahil magdamag daw kami naka-electric fan. Tuwing matutulog si baby naka-electric fan. Alam ko namang mahiya kaya kapag ako lang sa kwarto kahit sobrang init, hindi ako nag-e-electric fan. Kapag lang talaga natutulog si baby. Let me know your thoughts po. Salamat!

16 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Hindi po pwedeng hayaan na matuyuan ng pawis si baby. Para po sa peaceful life, I suggest po na sikapin niyo pong bumukod ng asawa ninyo para po sa inyong peace of mind. Mahirap talaga may nangiengielam sa pagpapalaki ng baby. Marami kang maririnig na turo, side comments and opinions na hindi naman pwede kay baby. Plus ‘yung mga pagpapalakad pa sa bahay gaya ng konsumo sa kuryente. Sa OB or sa pedia advices po kayo makinig mhie.

Magbasa pa