Agree ba kayo na mas okay na hayaang maligo sa pawis si baby habang natutulog sa gabi?

Hi! Ask ko lang. Hindi kami nagkakasundo ng biyenan ko when it comes to my baby sleeping with the electric fan on. Sabi ng biyenan ko mas maganda raw na pagpawisan si baby habang natutulog. Naaawa naman ako sa baby ko kung hahayaan ko siyang initin at pagpawisan habang natutulog kaya nag-e-electric fan kami. Sa araw naman, lagi naman siya pinagpapawisan dahil lagi naming pinaglalakad. Kaya, aree ba kayo na mas okay na hayaang maligo sa pawis si baby habang natutulog sa gabi? Sabi kasi ng Mama ko, puwedeng maging sanhi ng pneumonia lalo kapag natuyuan ng pawis si baby. Ang issue ko naman kasi, lagi nilang pinaparamdam tsaka minsan na ring sinabi na magastos kami sa kuryente dahil magdamag daw kami naka-electric fan. Tuwing matutulog si baby naka-electric fan. Alam ko namang mahiya kaya kapag ako lang sa kwarto kahit sobrang init, hindi ako nag-e-electric fan. Kapag lang talaga natutulog si baby. Let me know your thoughts po. Salamat!

16 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

no mii hindi dapat ganon kung makakapag reklamo lang si baby. baka nag reklamo na yan. kahit adult nga hindi dapat natutuyuan ng pawis baby pa kaya. inlaws ko rin ayw na nakatutok kay baby efan e jusko yung kwarto naman eh wala ni isang maliit na bintana kay init init. binawal pa na ipag kutchon ko si baby manipis na kutson lang naman dahil kami ni hub sa makapal, kaya nag ending may minsang nauutog si baby sa sahig e puzzle mat lang gamit nya na may sapin kaya umiiyak parin. init na init sa manipis na kutson pero ayaw magpa electric fan josko. kaya ako sisikapin kong makabukod na talaga 😥same din sayo mii mas comfortable yung ikaw lang ang reyna sa isang bahay.

Magbasa pa