6 Replies

Alam nyo ba na krimen ito na may parusang kulong, mas malaki ang halaga na nakuha ay mas mataas ang parusang kulong ng gumawa nito. Ang sinumang tao na tumanggap ng anumang pera, gamit o personal property na pinagkatiwala sa kanya, at ito ay kanyang ginastos o ginamit ng walang permiso ng nagbigay sa kanya ay isang uri ng krimen na Estafa na pinaparusahan ng kulong. Ang gawain na ito ay isang krimen na kung tawagin ay "Swindling" o "Estafa with Unfaithfulness or Abuse of Confidence" kung saan pinaparusahan ng Paragraph 1 (b) ng Article 315 ng Revised Penal Code: Art. 315. Swindling (estafa). — Any person who shall defraud another by any of the means mentioned hereinbelow shall be punished by: x x x x 1. With unfaithfulness or abuse of confidence, namely: x x x x (b) By misappropriating or converting, to the prejudice of another, money, goods or any other personal property received by the offender in trust, or on commission, or for administration, or under any other obligation involving the duty to make delivery of, or to return the same, even though such obligation be totally or partially guaranteed by a bond; or by denying having received such money, goods, or other property; © FB

IN LAWS ko! Sinabi nila, ibibigay nila ang pera namin samin once nabayaran na ang mga need bayaran sa kasal namin. Tapos biglang, iniipit na kami na saka na nila ibibigay. Tapos eto, malaman laman ko sinadya nilang kunin para gastusin. Pigil na pigil na ako ngayong magsabi sa mga ninong at ninang namin na ang REGALO NILA ay HINDI NAPUNTA SAMIN. Pati sa magulang ko hindi pa ako nagsasabi dahil ayaw ko ng malaking gulo. Baka bawiin pa ko ng magulang ko sa ginawa nila. Inaalala ko, pano ang baby ko. Nasstress ako sobra. Naiiyak sa ginawa nila pero nagpapakatatag ako dahil ayaw ko makunan.

Ang titigas nman ng muka ng in laws mo.. galawang kupal. Turuan mo ng leksyon.

Sino pong *sila* ?? Hala ang galing ha sila pa nag audit 😠😡😠😡

nakausap mo na po ba mister mo about sa isyu?

Yes. Ang ginagawa ng mister ko ngayon ay mangulit ng mangulit para ibalik nila ang pera. Pero ako, sasabog na kaya gusto ko na gumawa ng action pero magulang niya yon kaya hinihintay ko siyang mapagod kakahingi bago kami magreklamo na

Consult to a lawyer

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles